- Napagtapos ng isang pedicab driver ang kanyang anak
- Hindi inakala ng tatay na magna cum laude ang anak
- Anak hindi rin inakala na magiging magna cum laudi siya
Nairaos ng amang si Renato Ramos ang kanyang anak na si Sandra Estefani Ramos sa pag-aaral ng college matapos ang ilang taong pamamasad gamit lamang ang pedicab.
Nagtapos si Sandra sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology. Ngunit nagulat ang kanyang ama nang malaman na magna cum laude pala ang anak na nakakuha ng average na 1.49 sa kursong Bachelor of Secondary Education.
Sandra Estefani Ramos |
Binalak pala ni Sandra na hindi ipaalam sa mga magulang ang pagiging magna cum laude niya dahil ang gusto niya ay malaman nila mismo sa graduation para magulat sila at matuwa sa mismong event. Ngunit isang araw ay nalaman na lang ng nanay ni Sandra ang pagiging magna cum laude ng anak nang liparin ng electric fan ang folder na naglalaman ng kanyang pagiging magna cum laude.
Sandra Estefani Ramos |
Kahit hirap sa buhay ay nairaraos naman ni mang Renato ang kanyang pang araw-araw na gastusin sa pamamagitan ng pagpapadyak sa pedicab.
Pangarap ni Sandra na maging teacher at suportado naman ito ng kanyang ama.
Ipinost ni Sandra sa social media ang kuwento ng kanyang buhay, kalakip ang larawan niya at ng ama habang nakasakay ito sa pedicab.
Loading...
0 comments:
Post a Comment