Saturday, April 20, 2019

Isang OFW nasunog at namatay ang buong pamilya, nanawagan ng tulong para makauwi

Views

Isang kababayan natin ang nanawagan sa gobyerno at sa mga may kakayahan para siya'y matulungan para makauwi sa pinas.

Ang ating kababayan na nagngangalang Erzjen Ardon Jen ay isang OFW na namatay ang nuong pamilya niya sa sunog sa Purok 9-A, Brgy. Poblacion, Maco, ComVal Province ng madaling araw nitong Huwebes Santo.

Kasama rito ang buong pamilya ng ating OFW na na-trap umano at nasunog, ang mga namatay ay sina:

Ian Bilucora 22
Rico Villacora 18
Kisses Ardon 6 months
Merjan Cline Ardon 20
Carmen Bilucora 56
Jane Ryle Aporado 12
Karen Busalla 27

At hindi pa nakikita ang katawan ng 12-taon na si Aporado.

Ayon sa post sa Facebook ng isang netizen na si Crys Man Noah ay humihingi raw ng tulong ang ating OFW na si Erzjen at ito ang kanyang caption sa post:


Sir raffy tulfo...mahal naming pangulong duterte kami po ay huminge nang tulong po sa inyo cya po ang kaibigan at kabayan nmin dto sa saudi..c Erzjen Ardon Jen po na sana matulongan po cya makauwi sa pinas kc lahat nang pamilya niya..nasunog po sa comval.prv di po cya payagan nang amo niyang umowi...pls po paki share nmn para maabot ky sir raffy at mahal nating pangulong duterte

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment