Thursday, April 11, 2019

Suspek sa pagpatay kay Christine Silawan kanyang idinetalye; naging poser sa FB nakipagrelasyon sa dalaga

Views

  • Ang 43-anyos na suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan ay Iprinisinta sa isang conference sa Police Regional Office-Central Visayas 

  • Hindi itinanggi ng suspek na siya talaga pumatay kay Christine at at idinetalye ang krimeng nagawa 

  • Inamin din niyang gumamit siya ng droga sa panahon na iyon



April 11, Huwebes iprinisinta ng mga awtoridad ang 43-anyos na si Renato 'Renrem' Llanes sa isang press conference sa Police Regional Office-Central Visayas

Siya ang itinuturing na primary suspect sa 16-anyos na si Christine Silawan sa brutal na pagpaslang sa dalaga at inamin na rin niya nag nagawang pagpatay.

Nagkakilala ang dalawa sa Facebook, base sa mga kwento ng suspek ito'y ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Police Director General Oscar Albayald.

Nag-poser daw ang suspek at ginamit ang pangalang "CJ Diaz" para ma-add nito ang dalaga sa Facebook.

Sa pamamagitan ng Facebook nagksundo ang dalawa at nagkaroon pa sila ng relasyon at napagpasyahang magkita sa harap ng Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City noong Marso 10.

Dahil nga poser pala itong si Renato nagulat si Christine nang makita ang inaakalang si 'Cj Diaz' dahil masyado raw itong matanda para sa kanya.
Umalis si Christine dahil ang inaasahang karelasyon na si CJ ay poser pala at isang matanda sinundan naman ng suspek hanggang sa makarating sila sa Sitio Mahayahay in Barangay Bankal.

Sa mga oras na iyon ay pinilit ng suspek na makipagtalik sa kanya ang biktima at tumanggi si Christine.

Nagalit pa umano ang suspek nang sabihin ni Christine na hindi na siya birhen. Dito na umano inatake ng suspek si Christine at tinangkang gahasain ngunit nabigo ito ng sariling katawan.

Pagkatapos ay brutal na pinagsasaksak ang dalaga hanggang siya'y mamatay at hindi lang iyon binalatan pa ang mukha para raw hindi na siya makilala nakakuha raw siya ng ganitong idea sa kakapanood ng bidyo sa Facebook at sa kontrobersyal na Momo challenge.

Hindi naman itinanggi ng suspek na naka-droga siya noong ginawa ang krimen at inamin sa mga reporters sa press con dahil nakunsensiya siya. Ayon pa kay Albayalde, bukod sa pagpatay kay Christine, isa rin ito sa mga nasa drug watchlist ng Lapu-Lapu City Police Office. Narito ang buong kuha ng press conference mula sa Sun Star Cebu:

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment