Manila, Philippines – Sa post ni Neri Miranda sa kanyang IG pinatuyan niya at ininspire niya ang mga followers nito lalo na ang mga kababaihang gaya niya at narito ang napakahaba niyang caption sa post:
Bakit kaya kapag may nararating ang isang babae, may karugtong na sasambitin ng iba, kase mapera ang asawa mo kaya may ganyan ka. Kadalasan sa mga kapwa babae mo mismo maririnig yan. Hindi ba pwede na kaya mo ring mag invest, mag negosyo, at tumayo sa sarili mong mga paa dahil nagtrabaho ka talaga at nakapag ipon? Walang imposible sa mga taong masipag at naghahanap buhay, may focus sa buhay, nag iipon, at may faith kay God at sa sarili. Regardless kung babae ka o lalaki, basta maabilidad ka kayang kaya mong magsucceed sa buhay. Wala yan kung "mapera" man ang asawa mo o kilala sa lipunan. Kung di ka marunong magtrabaho at di nag iipon, wala talaga patutunguhan kahit bigyan ka pa ng pera ng kabiyak mo. Mauubos mo rin yan. Hindi ako binibigyan ng pera ni Chito pang luho o pang negosyo. Hindi rin naman ako nanghihingi. Sariling pera ko ang napupundar ko. Sabi nga ng mga kabataan ngayon, i-flex mo yan, hehe! Hindi naging madali sa akin lahat lalo pa at wala rin akong naipundar nung nag artista ako. Nagsimula lang ako sa P3000, napalago ko siya. At 36 years old, ngayon ko palang nakikita ang mga pinaghirapan ko sa pagtitinda ng kung ano ano. Tindera ng bayan at tindera ng taon nga ako, di ba? Haha! Ayan lagi ang sinasabi sa akin at para sa akin, compliment yan. Ibig sabihin masipag ako. It is not too late para sa ating lahat na makapag invest, makapagtayo ng negosyo, o kung ano man ang pangarap mo noon pa man. Lucky you kung nakapagsimula ka ng mas bata pa. Ako? Medyo late na pero nagsumikap ako. Kahit anong edad mo pa basta maabilidad ka sa malinis na paraan, makukuha mo ang mga pangarap mo. Sabi nga ni Tita Shawie, "Unti unting mararating kalangitan at bituin. Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning." Hehe! Ayan ang theme song ko kapag nakikita ko ang mga pinaghirapan ko. Yes, laki ako sa hirap pero hindi yun hadlang para umasenso. I embraced it at ginawang inspirasyon para umunlad sa buhay. At proud ako na hindi ako umaasa sa kung ano ang ibibigay ng asawa ko sa akin. Kayang kaya natin yan. Wala yan sa gender. Lalaki ka man, babae, tomboy, o bakla basta masipag ka, di ka magugutom. Partneran mo pa ng tyaga, aasenso ka sa buhay. #WaisNaMisis
0 comments:
Post a Comment