Sunday, September 22, 2019

Neri Miranda proud na ipinasilip ang nalalapit na matapos nilang rest house (ANG GANDA!)

Views
IG: @mrsnerimiranda
Manila, Philippines – Ipinakita ni Neri Miranda ang malapit ng matapos na rest house na kanilang pinapagawa, sa kanyang post sa IG na may mahabang caption proud niyang ipinakita ang bunga ng kanyang tamang pagtitipid/pag-iipon, hardworking at pagiging wais. Kanyang tinawag na Miranda's rest house ang pinapagawang bahay na ayon sa post niya ay may 4 na bahay na lahat 2-storey tsaka may tree house at pool. Actually hanap-buhay din ito dahil pwede mag-staycation ang sino mang may gusto. Narito ang kanyang sinabi sa kanyang post:

IG: @mrsnerimiranda

IG: @mrsnerimiranda
Miranda's Rest House, soon!
Pwede siyang i-rent para sa mga special events o kahit sa mga gusto lang magpahinga sa probinsya. Malapit na malapit na pong matapos.
May 4 na 2 floors na bahay po sa loob, events place na kasya ang 100 na tao, may swimming pool, jacuzzi, malaking garden, playground, tree house, half court, driver's and angels' quarters, picnic area, fire pit, at big tambayan for barkada at pamilya.
Nagsimula sa pangarap. Sinundan ng sipag at tyaga, pananalig sa Diyos at sa sarili, tibay ng loob, at tamang pag iipon. Kung nakayanan ko, mas kaya nyo. 2 years in the making yan pero kinaya ko. Matagal kong pinaghirapan yan, hindi lang overnight. Hindi naging madali pero lumaban. Kayang kaya mo yan.
@mirandasresthouse
#WaisNaMisis #WaisKahitDiPaMisis #WaisNaMommies #VeryNeri




View this post on Instagram

Bakit kaya kapag may nararating ang isang babae, may karugtong na sasambitin ng iba, kase mapera ang asawa mo kaya may ganyan ka. Kadalasan sa mga kapwa babae mo mismo maririnig yan. Hindi ba pwede na kaya mo ring mag invest, mag negosyo, at tumayo sa sarili mong mga paa dahil nagtrabaho ka talaga at nakapag ipon? Walang imposible sa mga taong masipag at naghahanap buhay, may focus sa buhay, nag iipon, at may faith kay God at sa sarili. Regardless kung babae ka o lalaki, basta maabilidad ka kayang kaya mong magsucceed sa buhay. Wala yan kung "mapera" man ang asawa mo o kilala sa lipunan. Kung di ka marunong magtrabaho at di nag iipon, wala talaga patutunguhan kahit bigyan ka pa ng pera ng kabiyak mo. Mauubos mo rin yan. Hindi ako binibigyan ng pera ni Chito pang luho o pang negosyo. Hindi rin naman ako nanghihingi. Sariling pera ko ang napupundar ko. Sabi nga ng mga kabataan ngayon, i-flex mo yan, hehe! Hindi naging madali sa akin lahat lalo pa at wala rin akong naipundar nung nag artista ako. Nagsimula lang ako sa P3000, napalago ko siya. At 36 years old, ngayon ko palang nakikita ang mga pinaghirapan ko sa pagtitinda ng kung ano ano. Tindera ng bayan at tindera ng taon nga ako, di ba? Haha! Ayan lagi ang sinasabi sa akin at para sa akin, compliment yan. Ibig sabihin masipag ako. It is not too late para sa ating lahat na makapag invest, makapagtayo ng negosyo, o kung ano man ang pangarap mo noon pa man. Lucky you kung nakapagsimula ka ng mas bata pa. Ako? Medyo late na pero nagsumikap ako. Kahit anong edad mo pa basta maabilidad ka sa malinis na paraan, makukuha mo ang mga pangarap mo. Sabi nga ni Tita Shawie, "Unti unting mararating kalangitan at bituin. Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning." Hehe! Ayan ang theme song ko kapag nakikita ko ang mga pinaghirapan ko. Yes, laki ako sa hirap pero hindi yun hadlang para umasenso. I embraced it at ginawang inspirasyon para umunlad sa buhay. At proud ako na hindi ako umaasa sa kung ano ang ibibigay ng asawa ko sa akin. Kayang kaya natin yan. Wala yan sa gender. Lalaki ka man, babae, tomboy, o bakla basta masipag ka, di ka magugutom. Partneran mo pa ng tyaga, aasenso ka sa buhay. #WaisNaMisis
A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on


View this post on Instagram

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment