Si Dr. Li ang doktor na unang nagbigay ng babala matapos nitong madiskubre ang pitong pasyente na na-diagnose na mayroong mga sintomas tulad ng SARS noong Disyembre.
Noong una nga'y inakusahan pa ito na nagpapakalat daw ng mga "false comments" tungkol virus na nag-ugat sa isang wildlife market sa Wuhan. Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 28,000 ang infected ng 2019-nCoV at 565 na ang naitalang namatay dahil dito.
Kinilala itong si Song Yingjie, 28 taong gulang.
Ngunit hatinggabi ng Pebrero 3 daw ay bumalik ito sa kanyang tinutuluyang dormitoryo matapos ang shift nito, ayon sa ulat ng Shanghaiist at The Paper.
Dito na rin nakita ng kanyang mga kasamahan ang doktor na wala nang buhay. Pinaniniwalaang pumanaw ito dahil sa "sudden cardiac arrest" dala ng labis na pagod. Si Song Yingjie raw ay ang deputy team leader ng isang grupo ng mga parmasya sa isang health center sa Hengshan county, Hunan province.
Matapos pumutok ang balita nang pagkalat ng novel coronavirus sa China, na-assign ito sa isang local expressway inspection team noong Enero 23. Si Song Yingjie rin ang in-charge sa pagbibigay ng medical supplies sa mga kasamahan.
Frontline healthcare workers risk LIFE and LIMB EVERYDAY and keyboard know-it-alls presume they aren't doing enough to protect everyone. This poor guy worked 10 days straight. Our frontline guys are exhausted. Pls. continue praying for their safety. #nCoVhttps://t.co/KzLW5OqM4H— Dr. Edsel Salvana (@EdselSalvana) February 5, 2020
Loading...
0 comments:
Post a Comment