Friday, April 3, 2020

Yeng Constantino Nagsulat ng Napakagandang Kanta Para sa mga Frontliners

Views
Yeng IG

Sa post ni Yeng sa IG, kanyang ipinarinig ang ginawa niyang kanta para sa mga frontliners na may caption na:

Kumapit by Yeng

Para po sa ating mga Frontliners sa Medical Field.

Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming viber group na may Doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists para po sainyo dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon natin ngayon at sa mga hospitals.
Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year. Parang may digmaan sa kalooban ko dahil gusto ko pong magsend ng video message pero baka di naman po makatulong.

Pero ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po.
Sa kinakaharap po natin ngayon mas nakita ko po na di matatawaran ang puso nyo sa pagtulong. Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot hinaharap nyo po ang pagsubok na ito. Maraming maraming salamat po. Naiindintihan ko po kung bakit marami sainyo ang sumama ang loob sakin.

Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon nakasulat po ako ng kanta na sana po ay makaencourage sainyo pati narin po sa marami pang nawawalan na ng loob. Maraming salamat po! Saludo po kami sa inyong sakripisyo. Wag po kayo bumitaw. Kailangan po namin kayo.

Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. ๐Ÿ™๐Ÿผ Babangon muli ang Pinas! Kaya natin to. Kasama natin ang Panginoon. (Music borrowed from Hillsong Instrumental wala kase ako dala guitar)




View this post on Instagram

Para po sa ating mga Frontliners sa Medical Field. Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming viber group na may Doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists para po sainyo dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon natin ngayon at sa mga hospitals. Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year. Parang may digmaan sa kalooban ko dahil gusto ko pong magsend ng video message pero baka di naman po makatulong. Pero ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po. Sa kinakaharap po natin ngayon mas nakita ko po na di matatawaran ang puso nyo sa pagtulong. Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot hinaharap nyo po ang pagsubok na ito. Maraming maraming salamat po. Naiindintihan ko po kung bakit marami sainyo ang sumama ang loob sakin. Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon nakasulat po ako ng kanta na sana po ay makaencourage sainyo pati narin po sa marami pang nawawalan na ng loob. Maraming salamat po! Saludo po kami sa inyong sakripisyo. Wag po kayo bumitaw. Kailangan po namin kayo. Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. ๐Ÿ™๐Ÿผ Babangon muli ang Pinas! Kaya natin to. Kasama natin ang Panginoon. (Music borrowed from Hillsong Instrumental wala kase ako dala guitar)
A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment