Saturday, June 20, 2020

Angel Locsin: Wala ako sa kalingkingan ni Darna, isa lang akong simpleng tao

Views
Angel Locsin: Wala ako sa kalingkingan ni Darna, isa lang akong simpleng tao 

PARA sa Kapamilya actress na si Angel Locsin, masmarami pang karapat-dapat daw na tawaging Darna kesa sa kanya.

Pero para sa mga madlang people kung meron mang itinuturing na real life superhero ngayon, yan ay walang iba kundi si Angel Locsin na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumutulong sa nga nangangailangan. 

Nakakahanga lang na isipin na simula noong nagsimula ang pandemic ay mapahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtulong si Angel sa mga nangangailangan at nariyan din sa likod niya ang kanyang kasintahan na si Neil na palagi niyang kasama.

Angel Locsin 1/3


Para sa isang Angel Locsin hangga’t may maibibigay at maitutulong siya ay gagawin niya ito hanggat kanyang makakaya. Kaya naman sa digital mediacon para sa bagong inspirational program ng Kapamilya Channel na “Iba Yan” natanong siya kung ano ang masasabi niya sa mga nagsasabing siya talaga ang tunay na Darna ng mga Filipino.

“Bilang ginampanan ko si Darna, at alagang-alaga ako sa character ni Darna, isang malaking compliment sa akin ‘yun kasi alam ko kung gaano kabuting tao si Darna and si Narda ang hangarin nila is pure."

“Pero kung tutuusin, wala ako sa kalingkingan, ‘yun ‘yung reality doon,” pahayag ng dalaga na isa sa mga gumanap na Darna sa TV version nito sa GMA ilang taon na ang nakararaan.


Angel Locsin 2/3


“Pero I’m very flattered kasi siguro napapanood nila ‘yung mga ginagawa kong projects pero isa lang akong simpleng tao, hindi ako bilyonaryo, hindi ako mayaman, hindi rin ako laging nauuna,” 

Pagpapatuloy pa niya, “Siguro, nagkakaroon lang ako ng coverage kasi kilala ka, so madalas ka napi-picturan ng tao, pero naniniwala ako na mas maraming tao ang mas-active sa paligid ang hindi nabibigyan ng importance talaga."

Angel Locsin 3/3

“And ’yun ang gusto natin gawin sa show natin (Iba Yan), bigyan natin ng limelight, ibida natin, ‘yung mga kakaiba ang kuwento, ‘yung kakaiba ang mga pagkatao, panahon nila ngayon so aatras po ako sa kung anong limelight na ‘yan, ibibigay natin sa kanila,” chika pa ni Angel.








Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment