Kristine Sabillo Twitter |
Pumanaw na rin ang pinakabatang COVID-19 survivor ng bansa na si Baby Kobe ito'y matapos na ma-discharge sa ospital noong Abril 28, at muli na naman itong naibalik sa ospotal dahil sa constipation. 1pm ngayong araw, June 4 nang i-deklara ng doktor na pumanaw na si Baby Kobe, limang araw pa lamang siya nang makumpirma siyang may COVID-19 at naituring na pinakabatang survivor dahil 16 araw pa lamang siya nang ma-discharge siya sa sa ospital.
Ayon sa source, napansin daw ng mga magulang nu Baby Kobe na matagal na itong hindi dumudumi at kapansin-pansin din na lumalaki ang kanyang tiyan lalo na pagkatapos itong pakainin kaya agad naman itong isinugod sa ospital ng kanyang mga magulang 2 weeks mulang nang siya'y ma-discharge sa ospital.
Ayon sa Rappler, sa National Children's hospital muli dinala ang sanggol na naging kritikal ang kalagayan dahil constipated umano ito at hindi makadumi. Ngunit hanggang sa mga huling araw ng kanyang buhay, nagkaroon na ito ng impeksyon sa kanyang dugo na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
"Nakausap ko 'yung doktor kagabi at sabi tutubuhan na siya. Pagkatapos, sinabi wala na," pahayag ng ama ni Baby Kobe na si Ronnel Manjares sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News. Bandang ala una ng madaling araw ngayong Hunyo 4 nang i-deklarang wala nang buhay ang sanggol.
Kasalukyang nasa Quezon City pa rin ang labi ng sanggol at nangangailangan pa rin ng tulong pinansyal ang kanyang pamilya. Wala rin umanong masakyan ang ama niyang si Ronnel na manggagaling pa sa Alabang. Pinoproblema rin niya ngayon ang pagpapalibing sa anak kaya kumakatok pa rin sila sa may mga mabubuting puso upang sila ay matulungan.
They (Ronnel & their other child) are living in a makeshift structure while Baby Kobe & the mother are back in Natl Children's Hospital. Ronnel thanks those who sent help last time. He was able to buy a phone to communicate with his wife who was in isolation w/ Baby Kobe. But... pic.twitter.com/Xfe0idX3Vo— Kristine Sabillo 🇵🇭 (@kristinesabillo) May 10, 2020
Loading...
0 comments:
Post a Comment