Sharon Cuneta expressed her frustration with Ronald C. Carballo, a
showbiz writer and director who used to be her friend.
Dahil sa kinakaharap ngayon ni Frankie Pangilinan na issue pati mga parents niya
nadadamay na rin sa mga issue ngayon. Tulad na lang ng isang writer na dati'y
kaibigan ni Sharon na ngayo'y pinapatamaan daw si Sharon ng mga foul words kaya
naman hindi nakapagpigil si Sharon at kanya na itong ipinost at pinangalanan. Sa
post ni Sharon Cuneta kanyang sinabi na:
“Just a sample of how low a former friend has gone, whose chance at a showbiz
writing career was given to him by Viva Films during my first movie; who
became close to me because of his humility and gratefulness; who was welcomed
by even my Mommy and treated with love and kindness - and oh man - GENEROSITY
from my whole family; who was sadly swallowed by the showbiz system when he
finaly experienced money and men because of his perceived ‘influence,’ which I
assume nagkaroon siya dahil sa alam ng tao na close kaming magkaibigan,
therefore naging parang ‘authority’ siya sa buhay ko as in pag all things
about me, siya ang tatanungin.
“Feeling ko kaya siya galit, kasi nung nawala ako sa kanya dahil nga
bumaligtad ang ugali niya at natuto nang manggamit, manloko at manira ng
kapwa, nawalan na siya ng kredibilidad. Sa nagdaang napakaraming taon,
sinisiraan niya ako. Wala na pala akong saysay sa paningin niya pero ako ng
ako ang sinusulat niya! I think hindi lang masama ang ugali nito. I think he
needs professional help.
“Kahihiyan ng bading nation ang pinagsasabi at lalo na ang mga pinaggagawa
nitong taong ito. Di ko nga alam kung obsessed sa akin o possesed! Di naman
puedeng single white female sya kasi di naman sya babae o tomboy. Chaka kung
tatawagin ko syang babae, lalaki, tomboy o bakla, nakaka-offend sa lahat ng
kasarian eh! Sino ba naman ang may gustong may kasanib na ganyan? Buhay na
buhay ang Diyos.
“Napakaitim ng budhi mo. WALA KANG UTANG NA LOOB. Di ko ugaling
manumbat. Pero di mo ba naisip na kung di ka lang sana nagbago at close tayo
mula noon hanggang ngayon, kung gano na sana UMASENSO AT GUMANDA ANG BUHAY MO?
Humanda ka. Binaboy mo kami ng mga anak ko. Lalo ang panganay ko. IBANG USAPAN
NA ITO. KAHIT MAUBOS LAHAT NG IPON KO... basta HUMANDA KA,” Sharon posted on
Instagram.
0 comments:
Post a Comment