Artista at Comedienne na si Gladys Guevarra Nagtitinda na rin ng mga Kakanin/ Source: Instagram |
Dahil sa panahon ngayon at dinadanas ng bawat bansa kanya-kanya na ng diskarte
ang mga tao para kumita ng pera para mabuhay, hindi na dapat maginarte sa
panahon ngayon dahil alam naman natin lahat na sa panahon ngayon ay mahirap
kumita kaya kung hindi ka mayaman o average ka lang mauubusan ka talaga ng
pera dahil sa halos karamihan ng business ngayon ay naihinto dulot ng
pandemya.
Para kumita ng extra sa panahon ngayon, ang diskarte ng host-comedienne na si
Gladys Guevarra ay pinasok ang mundo ng pagtitinda ng kakanin. Nagsara na rin
kasi ang comedy bar na kung saan siya nagtatanghal bilang host at comedienne.
Sa Klownz at Zirko na pag-aari pala ni Allan K. nagwo-work si Gladys at
ngayong nagsara na ito buhat ng nalugi dahil sa pandemya ay humanap ng ibang
pagkakakitaan si Gladys.
Gladys Guevarra with Bossing Vic/ Source: Instagram |
Gladys Guevarra/ Source: Instagram |
Proud pa ngang inilathala ni Gladys sa kanyang Facebook account na siya
ngayo'y gumagawa at nagtitinda ng mga kakanin gaya ng chesse puto, palitaw
yema at slated eggs, umani naman ito ng mga positive feedback sa mga netizens
at lalo ito na-inspire magtinda ng kakanin.
Gladys Guevarra Chuchay/ Source: Instagram |
Gladys Guevarra @Zirkoh/ Source: Instagram |
Gladys Guevarra @Zirkoh/ Source: Instagram |
Kakambal naman ng positive ang negative, dahil may ilan din na hindi
naniniwalang nagtitinda siya, sa ibinahagi ni Gladys sa kanyang Facebook na
nakakuwentohan niya sabi'y:
“Sabi nu’ng kausap ko sa talipapa kanina . . . ‘Ha?! Eh di ba artista ka?
Bakit ka nagtitinda ng Palitaw?’
“Weh ano naman ngayon ate, naisip mo pa yun? Ang requirements ba sa
pagtitinda, kailangan hindi artista?
“TaranTula pala tong si Ate eh! Hahaha! Gusto ko pa nga magtinda ng turon,
halo-halo, ginatan, totong, lumpiang sariwa, pansit, lumpiang pritong gulay.
Ano problema dun?"
“Ikaw nga ate, nakatayo ka lang sa talipapa, nakikipag-tsismisan ka sa
tindera. Hahahaha!"
“Ate, hindi pa uso ang Covid balak ko na magtinda ng barbecue sa harap ng
bahay ko. Hindi lang pwede, kase mga kapitbahay ko, congressman, senators,
mayors.
“At kaya ako umalis dun, hindi inaabot ng ayuda. Bhuset!”
Loading...
0 comments:
Post a Comment