Saturday, July 4, 2020

Isang Tricycle Driver Pinatunayang Mali ang Paniniwala ni Buknoy Glamurrr Pagkatpos Pagawan ng Mansion ng mga Anak na Kanyang Napagtapos

Views
Peso Sense Facebook
Source: Facebook

MANILA, Philippines – Dahil sa nag-viral na bidyo ng isang kilalang Tiktok influencer na si Buknoy Glamurrr na kung saan minaliit ang mga tricycle drivers sa kanyang vlog, maraming netizens ang na-triggerd sa napaka insensitive na ginawa ni Buknoy na kung saan ininsulto pa niya ang inosenting tricycle driver na dumaan lamang at namamasada para may ipakain sa pamilya, may maibigay na tuition sa school ng mga anak o may maibigay na baon sa mga anak.

Para kasing tinuldukan na ni Buknoy na ang mga tricycle drivers ay wala nang papupuntahan at hindi matutupad ang pangarap pero hindi niya naisip na ang pamamasada ng isang tricycle driver ay isa ring susi na balang araw ay magiging successful din ang mga anak na pinapaaral nito at ito ang nangyari sa tricycle driver na ito na kung saan napagtapos nilang mag-asawa ang apat na anak dahil sa pagiging tricycle driver nito at pagiging mananahi ng kanyang asawa. 



Matatandaang nag-viral ang isang pamilyang ito nang naging topic sila sa isang Facebook page na Peso Sense na kung saan ibinahagi nila ang kuwento sa likod ng kanilang success na napagtapos sila ng parents nila at ngayon ay pinagawan nila ito ng mansion. Dahil sa magandang pagpapalaki ng mga magulang na ito sa kanilang mga anak at naipaintindi nila ang kanilang mga sakripisyo ay nagbunga lahat ng pagsusumikap ng mga magulang na ito at napagtapos nila ang kanilang mga anak. 

Salungat sa paniniwala ni Buknoy ang pamilyang ito ang nagpapatunay na kahit isang tricycle driver lang ang tatay niyo hindi ito hudyat na wala na itong pag asa sa buhay dahil sa bawat pamamasada nito ay dito rin nabubuo ang isang tagumpay na buhay. Successful life na ginamitan ng tiyaga, pawis, pagsusumikap at determinasyon walang halong pagpapasikat sa social media, fame, Tiktok, Youtube o ano pa mang social platform, napagtapos ang anak sa sariling pawis. 

Ito ang kinuwento ng isa sa mga magkakapatid sa page na Peso Sense: 

“Share ko lang po ❤️❤️❤️ Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar.


Peso Sense Facebook
Source: Facebook


Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Electrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).”

Peso Sense Facebook
Source: Facebook



“Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. ๐Ÿ˜… Natutulog kami sa sala. ๐Ÿ˜Š

Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga ka-PESO ๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡.”

Peso Sense Facebook
Source: Facebook



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment