Jang Lucero (Facebook), Screenshot from GMA NEWS (Youtube)
Source: Facebook, Youtube
|
Hulyo 3, 2020 oras 9;23pm nakuhanan sa CCTV ang tatlong pasahero ni Jang
Lucero ang babaeng tinadtad ng saksak na natagpuan sa kanyang kotse sa
Laguna.
Kita ang mga mukha ng tatlong pasahero ni Jang Lucero sa kuha ng CCTV bago ito
matagpuang wala ng buhay dahil sa natamong 52 na saksak sa kanyang
minamanehong kotse sa Calamba. Kasabay nito, isang alyas "Althea" naman ang
lumutang na pangalan na umano'y nagplano ng karumal-dumal na krimen.
Isang babae at dalawang lalaki ang sakay ni Jang Lucero ito'y ayon sa ulat ni
John Consulta ng GMA News' "24 Oras", nitong Biyernes, ipinakita rinang kuha
ng isang CCTV nang tumigil ang kotse ng biktimang si Jang Lucero sa isang
fastfood para isakay ang tatlong pasahero, sa CCTV makikitang sa likod sumakay
ang dalawang lalaki at sa tabi naman ng biktima ang babae.
Pero bago nito, isang kotseng asul ang nahagip din ng CCTV na tumigil sa gilid
ng kalsada at bumaba ang tatlong pasahero ni Lucero patungo sa fastfood kung
saan sila sinundo ng biktima.
Nang maisakay na ni Lucero ang tatlo, namataan pa ang naturang kotseng asul na
sumunod sa sasakyan ng biktima.
Nagside-line si Lucero na maghatid ng mga pasahero na nagpapa-book sa Facebook
para kumita matapos mawalan ng trabaho dahil sa lockdown.
Bukod sa 52 saksak, sinabi ng pulisya na nagkaroon din ng bali ang isang braso
ni Lucero.
Ayon kay Police Colonel Serafin Petalio, Provincial Pilice Director, Laguna,
mahalaga ang kuha ng CCTV dahil makapagbigay ito ng impormasyon ng mga
pangyayari bago pinaslang ang biktima.
Base umano sa impormasyon na nakuha ng pulisya mula sa isang person of
interest, isang nagngangalang Alyas Althea ang lumilitaw na nagplano ng
pagpatay kay Lucero.
Sinabi naman ni Leutinant Colonel Gene Licud, hepe ng Calamba Police, may
indikasyon na hinawakan ng isang salarin ang isang braso ni Lucero na
nagkaroon ng bali, at may isa pang salarin ang sumaksak sa biktima.
Mensahe ng pulisya sa mga sangkot sa pagpatay kay Lucero, sumuko na at huwag
nang hintayin na hulihin pa sila.
Loading...
0 comments:
Post a Comment