Monday, August 24, 2020

Netizens Nagulat sa Kumakalat na Larawan ni Zeinab Harake at Skusta Clee

Views
Carl Garcia Labuanan FB


Viral ngayon ang larawan ni Zeinab Harake at Skusta Clee na kung saan tila nagsasama ulit. Ang mga larawan na ito ay ibinahagi ng isang netizens sa Facebook na si Carl Garcia Labuanan na kung saan makikita na magkasama ang dating magkasintahan na si Skusta Clee at Zeinab Harake. 

Bilang isang photoshop expert na kagaya ko masasabi ko na hindi edited ang mga larawan at sakatunayan ay bago lang ito dahil ang buhok ni Zeinab sa mga larawan ay inspired yan sa isang member ng Blackpink na si Jennie at nagpapatunay lamang ito na bago lang ang mga larawan. 

Matatandaang naging usapin sa socmed ang hiwalayan ng magkasintahan at noong nagkabalikan ay naging usapin din ito at maslumala pa ang issue nang nangaliwa ulit si Skusta at ngayong kumalat ang mga larawan nila matatawag pa bang “marupok” si Zeinab? Ano kaya masasabi ng mga fans nya? 






Zeinab Harake Latest Tiktok shows the same outfit.

@zeinabharake

♬ FEFE donyasaberiann - donyasaberian
@zeinabharake

♬ DANGEROUS - Austin Ong

Saturday, August 22, 2020

Jane De Leon Nalungkot sa sa Pagka-postponed na Naman ng “Darna”

Views
Jane De Leon IG

Matatandaang isang big revelation kung sino ang gaganap bilang next Darna dahil isa itong napakalaking budget na pelikula, at dahil din masnaging usapin ito nang hindi natuloy si Angel Locsin bilang Darna at kung sinu-sino na rin ang hinulaan ng mga madla kung sino ang papalit kay Angel, ginulat ng Kapamilya network nang si Jane De Leon ang napili na gumanap na Darna. 

Dahil na rin sunud-sunod ang naging problema ng Kapamilya network dahil sa pagsasara nito at isa pang malaking problema ay ang kinakaharap na pandemic ng buong mundo ay malungkot na binalita mismo ni Jane De Leon na postponed na naman ang nasabing project. Sa kanyang IG kanyang sinabi na: 

“ I’m deeply saddened by the postponement of the Darna project. However, safety comes first as always. Thank you so much for the support & understanding. Let’s pray for everyone’s safety. God Bless! 🤍❤️🤍”

Jane De Leon IG

Jane De Leon IG

Jane De Leon IG


Friday, August 7, 2020

Naaalala Niyo pa ba si Jayson Lee ang Bata sa Episode ng KMJS na “ From Korea, with love” Ito na Siya ngayon

Views
Screenshot from KMJS/Jayson Lee IG

Naaalala niyo pa ba ang episode ng KMJS na pinamagatang “ From Korea, with love” Na may dalawang episodes kung saan ang isang Pinay na nahiwalay sa dalawa pa niyang anak sa Korea at naisama ang bunso sa Pinas, ang bunso sa tatlong magkakapatid na half korean ay member na ngayon ng bagong grupo na “The 1st One’ kung saan si Jayson Lee ang visual ng group at pinakabatang member ng group. Narito at ating balikan at panoorin ang kanilang music video. 

Jayson Lee IG

Jayson Lee IG

Jayson Lee IG


Thursday, August 6, 2020

Paano nga ba Nahawa ng COVID-19 ang Kapuso TV host-comedian na si Michael V?

Views
Bitoy on his latest vlog “Level up”

Ginulat ni Bitoy ang madla nang kanyang inanunsyo na positive siya sa COVID-19 pero mapahangang ngayon ay hindi pa rin sigurado si Bitoy kung saan niya ito nakuha pero hinala ni Bitoy ay sa delivery niya ito nakuha. 

Sa latest vlog ng Kapuso comedian na “Bitoy Story 30: Level Up” inilahad niya ang ginawang pag-alala sa lahat ng ginawa at pinuntahan niya bago siya tamaan ng killer virus.

“Marami pa rin nagtatanong kung saan ko nakuha ‘yung virus, so let me tell you what I think.”

“Noong early July bumiyahe kami sa Batangas at kahit bahay-kotse-bahay lang ‘yung naging sistema namin papunta at babalik, siyempre, ‘yun agad ang pumasok sa isip ko.”

“Doon sa biyahe na ‘yun tatlong tao lang ang nakalapit sa akin at lahat sila ay ngayon ay negative.”

“Sa apat na kasambahay namin na pinatest din namin, isa ang nag-positive pero asymptomatic.”

“At kumpara sa misis ko at mga anak ko, ako ‘yung pinaka hindi in-contact sa kanila. Si Ayoi at ‘yung mga anak ko nag-negative din sa test, so ibig sabihin hindi ko sa Batangas nakuha,” simulang lahad ni Bitoy.

“Ang duda ko deliveries, pero FYI lahat ng deliveries na dumadating hindi nakakapasok sa studio na hindi sina-sanitize.”

“Pero dahil sa sobrang excited ko na mabuo ‘yung studio ko, palagay ako na may mga online deliveries ako na nabuksan tapos diretso ginamit ko na.”

“Sa sobrang atat ko malamang hindi ko na nasanitize ‘yung nasa loob nung package, ‘yun lang ang nakikita kong paraan para makasingit ‘yung virus sa katawan ko,” pagpapatuloy pa ni Michael V.
Samantala, ibinahagi rin ni Bitoy na dahil sa pagkakaroon niya sa COVID-19 ay naka-experience rin siya ng discrimination at harassment, pati na ang kanyang pamilya.”

“Nakakadagdag din sa sakit ‘yung ‘stigma’ sa mga COVID patients, para kang tinatakan ng reject ng lipunan.”

“Kahit naka-full PPE (personal protective equipment) ka iniiwasan ka ng mga tao, kinatatakutan, pinandidirihan.”

“Ang masama ‘yung iba hinihiya at hina-harass ka pa. Hindi ko nalang idedetalye, pero kami mismo ng pamilya ko naka-experience kami ng harassment,” chika pa ni Bitoy.

Kung may positibong idinulot ang kanyang pagkakasakit ito ay ang, “Kahit paano may magagandang idinulot itong COVID sa buhay sa iba sa atin, mas nakilala mo sarili mo, nalaman mo strength at weaknesses mo, mas nakilala mo ‘yung partner mo, mas napalapit ‘yung pamilya mo.”




Sunday, August 2, 2020

Bahay ni Pangulong Duterte sa Davao Pinuntahan ng Isang Vlogger

Views
Bahay ni Pangulong Duterte sa Davao Pinuntahan ng Isang Vlogger

Normal lang na isipin ng karamihan na ‘pag nabanggit ang pangalan ng isang pangulo ay hindi maalis sa isipan ng tao ang magarbo at marangyang pamumuhay nito dahil nga siya ang may mataas na katungkulan sa bansa at halos lahan naman din ng mga kilala at mga naging pangulo sa bansa at ibang bansa ay lahat mayaman at namumuhay ng marangya. Dahil na rin sa tagal sa serbisyo bago maabot ang isang pagiging pangulo ay talaga namang marami na silang naipundar. 

Cebu and Davao Journey YT

Pero kakaiba itong si Pangulong Duterte dahil sa kahit na matagal na itong may katungkulan sa Davao City ay nanatiling simple ang bahay at pamumuhay nito, wala kang makikitang mansion magagarang sasakyan at kung anu-anong pang mga pangkaraniwang bagay na meron ang isang mayaman ay hindi mo makikita sa bahay nila kahit swimming pool wala rin sila ang makikita mo lamang ay normal na bahay na para bang bahay ng isang normal na mamamayan.

Cebu and Davao Journey YT

Cebu and Davao Journey YT


Kaya naman ang bahay ni Pangulong Duterte sa Davao ay nagmistulang tourist attraction dahil sa kahit na siya na ang pangulo ng bansa ay ganun pa rin ang bahay nito kaya naman dahil sa pagiging low profile na pangulo ay kinakaaliwhan ito ng mga tao at madalas may nagpapa-picture sa labas ng kanilang bahay na. 

Sa vlog na Youtube Channel na Cebu and Davao Journey kanilang sinabi sa caption ng vlog nila na;

Unang beses naming pinuntahan ang bahay ni Pangulong Duterte (House of President Duterte) ay nung binlog nami ang carenderia na madalas na kinakainan ni Pangulong Duterte nung sya ay mayor pa. Dito sa dona luisa village, kung saan nakatira ang ating pangulo. Naisip ko ang bahay ng pangulo nung mga panhon na yon. 

Gusto kong puntahan ngunit nagdadalawang isip ako, dahil sa mga nakikita kong mga pulis na naka bantay malapit sa kanto. Di naman ako natakot. Inakala kong lang na napaka higpit ng seguridad, at di basta basta nakakapasok na kung sino sino sa loob ng subdivision, maliban lang sa mga nakatira doon. 

Ngunit nung itoy pinutahan namin kanina, mali pala ang aking inakala. Welcome na welcome pala ang mga tao. kahit sino ang pwedeng pumunta sa ang bahay ng pangulo na tinaguriang isa sa malaking attrakasyon sa Davao. Kaya di kami nag atubili na pumunta.

NOTE: The President's house is just beside Baste Duterte's house.

Saturday, August 1, 2020

Mga Artistang Mahihilig sa Alahas, Alamin kung Gaano Kamamahal ang Alahas Nila

Views
Gretchen Barretto/ Annabelle Rama/Ruffa Gutierrez

Marami sa mga artista ang bigla-bigla na lang lumalagapak sa lupa at lahat ng kinita sa pag-aartista ay nawaldas sa walang kuwentang bagay, isa na ito sa dahilan kung bakit karamihan sa kanila ay namumulubi dahil sa hindi maayos na pag-manage ng kanilang kinita sa showbiz. Kaya naman dapat sa oras ng kanilang kasikatan ay mag-ipon at ilaan ang kinita sa future at hindi dapat gastusin nang gastusin dahil sa panahon ngayon ay napakarami ng artista at iilan lang ang nabibigyan ng projects.

Gretchen Barretto with her pearl necklace 

Gretchen Barretto with her pearl necklaces 


Marami rin namang artista na mapa-hanggang ngayon ay sikat pa at marunong din humawak ng pera kaya naman kahit na mwalan sila ng trabaho ay kayang kaya pa rin nila mamuhay ng marangya dahil sa maayos na pamamalakad ng kanilang kinikita sa showbiz. 

KC Concepcion IG

Isa sa mga magandang gawin sa pera na kanilang kinita ay ang pagbili ng mga mamahaling alahas, dito hindi lang sa nasusuot nila ito kundi habang tumatagal ay hindi ito nawawalan ng value at katunayan habang tumatagal ay maslalong nagmamahal ang presyo nito.

Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez with their stunning jewelries 

Ang mga artistang inyong makikita ay ang mga artistang mahilig sa alahas at may mga collection ng mamahaling alahas na nakakalula sa halaga kaya naman kahit pa mawalan sila ng trabaho ay mamumuhay pa rin sila ng marangya at hindi nila ito ikakahirap. Tara ating tuklasin at panoorin kung sinu-sino sila.