Marami sa mga artista ang bigla-bigla na lang lumalagapak sa lupa at lahat ng
kinita sa pag-aartista ay nawaldas sa walang kuwentang bagay, isa na ito sa
dahilan kung bakit karamihan sa kanila ay namumulubi dahil sa hindi maayos na
pag-manage ng kanilang kinita sa showbiz. Kaya naman dapat sa oras ng kanilang
kasikatan ay mag-ipon at ilaan ang kinita sa future at hindi dapat gastusin nang
gastusin dahil sa panahon ngayon ay napakarami ng artista at iilan lang ang
nabibigyan ng projects.
Gretchen Barretto with her pearl necklace
Gretchen Barretto with her pearl necklaces
Marami rin namang artista na mapa-hanggang ngayon ay sikat pa at marunong
din humawak ng pera kaya naman kahit na mwalan sila ng trabaho ay kayang
kaya pa rin nila mamuhay ng marangya dahil sa maayos na pamamalakad ng
kanilang kinikita sa showbiz.
KC Concepcion IG
Isa sa mga magandang gawin sa pera na kanilang kinita ay ang pagbili ng mga
mamahaling alahas, dito hindi lang sa nasusuot nila ito kundi habang
tumatagal ay hindi ito nawawalan ng value at katunayan habang tumatagal ay
maslalong nagmamahal ang presyo nito.
Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez with their stunning jewelries
Ang mga artistang inyong makikita ay ang mga artistang mahilig sa alahas at
may mga collection ng mamahaling alahas na nakakalula sa halaga kaya naman
kahit pa mawalan sila ng trabaho ay mamumuhay pa rin sila ng marangya at
hindi nila ito ikakahirap. Tara ating tuklasin at panoorin kung sinu-sino
sila.
0 comments:
Post a Comment