Bitoy on his latest vlog “Level up” |
Sa latest vlog ng Kapuso comedian na “Bitoy Story 30: Level Up” inilahad
niya ang ginawang pag-alala sa lahat ng ginawa at pinuntahan niya bago siya
tamaan ng killer virus.
“Marami pa rin nagtatanong kung saan ko nakuha ‘yung virus, so let me tell
you what I think.”
“Noong early July bumiyahe kami sa Batangas at kahit bahay-kotse-bahay lang
‘yung naging sistema namin papunta at babalik, siyempre, ‘yun agad ang
pumasok sa isip ko.”
“Doon sa biyahe na ‘yun tatlong tao lang ang nakalapit sa akin at lahat sila
ay ngayon ay negative.”
“Sa apat na kasambahay namin na pinatest din namin, isa ang nag-positive
pero asymptomatic.”
“At kumpara sa misis ko at mga anak ko, ako ‘yung pinaka hindi in-contact sa
kanila. Si Ayoi at ‘yung mga anak ko nag-negative din sa test, so ibig
sabihin hindi ko sa Batangas nakuha,” simulang lahad ni Bitoy.
“Ang duda ko deliveries, pero FYI lahat ng deliveries na dumadating hindi
nakakapasok sa studio na hindi sina-sanitize.”
“Pero dahil sa sobrang excited ko na mabuo ‘yung studio ko, palagay ako na
may mga online deliveries ako na nabuksan tapos diretso ginamit ko na.”
“Sa sobrang atat ko malamang hindi ko na nasanitize ‘yung nasa loob nung
package, ‘yun lang ang nakikita kong paraan para makasingit ‘yung virus sa
katawan ko,” pagpapatuloy pa ni Michael V.
Samantala, ibinahagi rin ni Bitoy na dahil sa pagkakaroon niya sa COVID-19
ay naka-experience rin siya ng discrimination at harassment, pati na ang
kanyang pamilya.”
“Nakakadagdag din sa sakit ‘yung ‘stigma’ sa mga COVID patients, para kang
tinatakan ng reject ng lipunan.”
“Kahit naka-full PPE (personal protective equipment) ka iniiwasan ka ng mga
tao, kinatatakutan, pinandidirihan.”
“Ang masama ‘yung iba hinihiya at hina-harass ka pa. Hindi ko nalang
idedetalye, pero kami mismo ng pamilya ko naka-experience kami ng
harassment,” chika pa ni Bitoy.
Kung may positibong idinulot ang kanyang pagkakasakit ito ay ang, “Kahit
paano may magagandang idinulot itong COVID sa buhay sa iba sa atin, mas
nakilala mo sarili mo, nalaman mo strength at weaknesses mo, mas nakilala
mo ‘yung partner mo, mas napalapit ‘yung pamilya mo.”
Loading...
0 comments:
Post a Comment