Monday, December 21, 2020

Ang Buong Kuwento sa Alitan at Nauwi sa Pamamaril ng Pulis sa Mag-ina

Views

Ang Buong Kuwento sa Alitan at Nauwi sa Pamamaril ng Pulis sa Mag-ina

 

Nakabili ng 500 sq.meters na property si Police Sargeant Master Jonel at Lisa Nuezca sa Rufino Compound sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac sa halagang 200,000 pesos. Hindi pa ito na-subdivide. Nagbigay na diumano ng 40K si Nuezca kay Aleng Sonya Rufino para maiseparate na ang titulo ng property. Pero, binawi din ng pulis ang pera. At, kinasuhan niya ng estafa si Aleng Sonya na nadismissed din kalaunan dahil napatunayan ibinalik ang perang 40K kay Nuezca.

Nagpabakod si Nuezca pero hindi nagbigay ng ilang metrong space para sa right of away.

Nagpabakod ang hipag ni Aleng Sonya.(Ayaw ng magpabanggit ng pangalan ang hipag) at nagalit si Nuezca, pinag mumura niya ang kapitbahay dahil hindi daw nag-iwan ng space para sa right of way.

"Halos 9 na beses na silang nagpupunta sa Barangay dahil sa kanilang awayan sa right of way at hinahabol na titulo ng lupa. Hindi maayos ayos ang kanilang gusot dahil ayaw magbigayan," sabi bi Kap Rosie Obejera ng Barangay Cabayaoasan.

Nakakalungkot daw na humantong sa ganito ang simpleng hindi pagkakaintindihan nila.

"Tahimik ang aming barangay. Mababait ang mga tao dito. Ngayon lang nagkaroon ng ganito sa amin," pahabol pang sabi ni Kap Rosie.

Kahapon (December 20,2020) ay nagpaputok ng boga si Anton ang binatang anak ni Aleng Sonya. Kasama ang isang pamangkin na si Jay. Malakas ang putok.

Bigla na lang sinugod ni Nuezca sina Anton at Jay sa likod bahay nina Aleng Sonya. Sukbit ang baril sa may panatalon nito. Kasama ang anak niyang babae na 12 anyos at ang asawa niyang si Lisa. Kinuha ni Lisa ang boga ay dadalhin daw sa barangay hall.

Pilit na binibitbit ni Nuezca si Anton para dalhin sa Barangay. Subalit, sumaklolo si Aleng Sonya at niyakap ang anak para hindi madala ni Nuezca.

Ang isang anak ni Aleng Sonya na babae (hindi na binanggit ang name) ay humalo na din hanggang mauwi sa sigawan at sagutan ang mga ganap.

Nakialam na din ang 12 years old na anak na babae ni Nuezca at pinagmumura ang ate ni Anton hanggang sabunutan niya ito.

Si Jay ay lalapit para tulungan ang kanyang Tita subalit inumangan daw ni Nuezca ng sukbit na baril at tumakbo na palayo.

"Sabi niya 'isa ka pa'! Babarilin kita dyan," pagkukuwento ni Jay.

Sinugod na din daw sila minsan o ikalawang beses ni Nuezca dahil sa sumbong ng anak niya na 12 years old na binubully daw namin siya. Hindi daw nila yun magagawa dahil alam nilang pulis ang tatay niya.

Nang parating sila Barangay Kagawad Arcadio Risao ay nakarinig na sila ng sunod sunod na putok. 

Si Jay ay tumakbo pabalik ng makadinig ng mga putok ng baril.

Agad na tumakas palayo sa lugar ang mag-amang Nuezca.

"Uuwi siya sa Urdaneta, Pangasinan pero naisipan niya daw na sumuko sa Rosales Police. Bago pa mag alas 7 ng gabi ay may tawag kami tinanggap mula sa Rosales na hawak nila si Neuzca. Agad ako nag-utos na sunduin nila ito at ikulong para papanagutin sa krimen," sabi ni Police Lt.Col.Noriel Rombaoa, Chief of Police ng Paniqui Police.

Isang pamangkin na babaeng menor de edad ni Aleng Sonya ang nakuhanan ng video ang pangyayari mula sa pagsugod ni Nuezca at kanyang pamilya kay Anton hanggang sa pamamaril ng suspek na tumagal ng 10 mins and 20seconds.

Pero sabi niya sa akin hindi daw siya ang nag-upload ng video. pinakuha daw ng pulis ang cellphone niya. Tapos gulat na lang sila na nag-viral na video kuha niya. May nakapag sabi naman na ang Paniqui Municipal Information diumano ang nag-upload sa video.

Apat na basyo ng baril ang nakuha ng SOCO sa crime scene. Hindi pa daw natatanggap ni Rombaoa ang kumpletong report ng PNP Crime Lab kung saan parte ng katawan may tama ng baril ang mga biktim

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment