|
Nick Jairo Joachico FB |
Alam naman natin kung gaano kahirap maghanap-buhay ngayong pandemya kaya naman lahat ng puwedeng pasukan na pagkakakitaan ay sinusubukan ng mga taong hindi inaasa ang buhay sa gobyerno. Walang mahirap na trabaho sa isang taong gusto mabuhay ang pamilya basta marangal ito ay papasukin at kakayanin ang isang trabaho maitawid lang sa gutom ang pamilya.
Isa na sa nauusong trabaho ngayon lalo na’t internet at cellphone lang ang kailangan ay ang pag-o-online selling, kaya naman ito’y pinasok na ng isang lalake na gusto lang naman kumita sa marangal na paraan na walang natatapakan at walang napeperwisyong ibang tao.
|
Nick Jairo Joachico FB |
Ngunit nakakalungkot isipin na kahit marangal ang ginagawa ng isang netizen sa kanyang pag-o-online selling ay imbes na ang kanyang paninda ang pansinin ng mga tao ay isang netizen ang patuloy siyang dina-down habang ito’y nagtitida.
Kahit kaunti at kakarampot lang ang kanyang online viewers ay panlalait pa sa isang viewer na lalaki ang kanyang sinapit, pati ba naman ba sa pagtitinda online ay kailangan may itsura ka pa rin para hindi ma-bash, sa bagay karamihan naman sa pinoy ay kahit may itsura ka o wala ay marami talagang makikitid ang utak at panay pa panlalait sa kapwa ang ginagawa tulad na lang ng lalaki na nanlalait kay kuya habang naghahanap-buhay.
|
Nick Jairo Joachico FB |
|
Nick Jairo Joachico FB |
|
Nick Jairo Joachico FB |
Share this article to your social account.
0 comments:
Post a Comment