Kung tatanungin mo ang mga kabataan ngayon kung sino ang isa sa mga
hinahangaan nilang teen star hindi na siguro mawawala ang pangalan ni Jillian
Ward na binansagang “The Next Marian Rivera” o “The Next Marimar.”
Ang page din niya sa Facebook ay isa sa pinakamabilis lumaki dahil last year
lamang niya ito ginawang aktibo pero from 300k likes ngayon ay mayroon ng
7.9m followers o halos 8m followers na nagpapatunay na kung gaano
umuusbong ang kanyang pangalan sa napakabilis na panahon.
Photo: Jillian Ward IG
Photo: Jillian Ward IG
Photo: Jillian Ward IG
Dati nang may Page si Jillian Ward na may 2.4m likes pero hindi niya ito hawak
mag-isa at may ibang admin ang may hawak kaya naman naisipan ni Jillian Ward
na gawing aktibo ang isang page niya na kanyang ginawa noon pa na may 300k
likes lamang pero kanya itong napalaki ng maayos at naging verified na rin
kaya naman hindi na ito napigilan sa pag-grow.
Dahil sa biglaang paglaki ng kanyang community sa Facebook at isa sa
pinaka-ifluential na teen star sa bansa kabi-kabila na rin opportunity ang
lumapit sa kanya, isa na rito ang pagiging product endorser ni Jillian Ward sa
katunayan ay napakaswerte ng mga brand na kanyang iniindorso dahil isa si
Jillian Ward sa mga pinakahinahangaan ngayon.
Photo: Jillian Ward IG
Photo: Jillian Ward IG
Photo: Jillian Ward IG
Dahil sa kasikatan ng teen star na si Jillian Ward naging inspirasyon na rin
siya ng isang music artist na si Techflow na kung saan kay Jillian Ward ang
naging inspirasyon sa sumisikat ngayon na kanta na “Pinay Girl.”
0 comments:
Post a Comment