Recently naging matunog ang pangalan ni Bea Alonzo dahil na rin sa
pag-amin ni Julia Barretto at Gerald Anderson sa kanilang relasyon, kaya naman
nadawit ang pangalan ni Bea ay dahil ito sa ex-boyfriend niya na si Gerald
Anderson na naging dahilan ng hiwalayan nila ay si Julia Barretto na kahit man
daw closure nila ni Gerald ay hindi nangyari.
Anyway since moved on naman na si Bea at ngayon ay masayang masaya na sa
kanyang life at pati ang kanyang YT channel ay active na active din, kanyang
napagpasyahan na i-grant ang request ng kanyang mga fans na i-tour o ipakita
niya ang kanilang family farm sa Zambales.
Photo: Bea Alonzo YT
Photo: Bea Alonzo YT
Sa kuwento ni Bea Alonzo sa unang bahagi ng vlog ay nabili nila ang lupa na
‘yon noong 2011 na wala pa raw itong mga pananim sa pagkakatanda ni Bea ay
iisa lang ang tanging puno doon. Since bata pa raw noon si Bea ay
nagdadalawang isip ito na kung worth ba kunin ang lupa dahil sa nag-aalala si
Bea na kung kaya ba raw nila mag-farm o matututukan raw ba nila ito kaya naman
tinanong niya ang kanyang ina kung kukunin na daw ba nila ito.
Photo: Bea Alonzo YT
Photo: Bea Alonzo YT
Pero fortunately naman ay naging worth ang pagkuha nila sa lupa dahil sa
resulta ngayon at nagpasalamat din si Bea sa mga family friends nila dahil sa
tulong ng mga ito para maging successful ang farm sa katunayan ay binanggit pa
ni Bea ang ilang names na tumulong sa kanila para maging successful ang farm
nila.
Photo: Bea Alonzo YT
Photo: Bea Alonzo YT
Photo: Bea Alonzo YT
Nagpasalamat din si Bea sa mga tao (manpower) na naging katulong para gawin
ang farm sa kung ano ang kinalabasan ngayon dahil daw sobrang babait at
approachable ng mga taga Zambales kaya maganda ang pagkagawa ng farm.
Para ma-enjoy natin ang tour wag na tayong magbasa pa at panoorin natin ang
nakaka-refresh na vlog na ito ni Bea sa kanilang Beati Firma Farm sa
Zambales.
0 comments:
Post a Comment