Talaga namang napaka-hands on ni Pokwang sa kanyang bagong negosyong kanyang
pinangalanang Poklee Food Products at isa sa mga ibinibida ni Pokwang ay ang
kanyang chicken inasal. Sa kuwento ni Pokwang sa kanyang vlog ay maagang-maaga
raw umano siyang gumigising para lang matapos niya ang mga orders ng kanyang
mga minamahal na suki.
Photo: Pokwang IG
Photo: Pokwang IG
Sa katunayan ay nakaka-isang daan ang kanyang nagagawang Mamangs chicken
inasal para sa kanyang mga nag-order sa kanya at kasunod nito ay kanya ring
hinayag na mag-ingat sa mga gumagamit ng kanyang pangalan sa FB o ilang social
media accounts dahil baka mag-order sila at magbayad pero walang dumating na
product at kung mangyari raw umano ito ay wala siyang kinalaman kaya naman
mag-order lang daw sa kanyang Poklee Food Products.
Photo: Pokwang IG
Photo: Pokwang IG
Ikinatuwa naman ng netizens ang ginawa ni Pokwang sa mga riders na naghahatid
ng kanyang products dahil sa may care pa rin si Pokwang sa mga riders na
kagaya ng mga naghahatid ng mga products niya kaya naman naghandog si Pokwang
ng lunch para sa mga riders pangtawid gutom at kahit papaano ay matuwa naman
ang mga riders na naghahanap-buhay.
0 comments:
Post a Comment