Mga SIKAT na ARTISTANG kompirmadong tatakbo sa darating na Eleksyon
Si John Marvin Nieto o mas kilala sa pangalang Yul Servo ay unang nakilala bilang isang sexy star sa mga pelikula niya sa taong 2000. Ngunit hindi nag tagal ang kanyang karera sa pag arte at kanyang pinasok ang mundo ng politika. Naging konsehal siya sa lungsod ng Maynila ng tatlong termino at taon 2016 ng nahalal siya bilang kongresista na kumakatawan sa ikatlong distrito ng maynila. Sa darating na eleksyon, siya ay tatakbo parin sa kaparehong posisyon ng ikalawang pagkataon.
Photo courtesy: Showbiz Philippines YT channel
Photo courtesy: Showbiz Philippines YT channel
Nang makita si Arjo sa isang baranggay na namimigay ng
ayuda, nagsasagawa ng feeding program, at bumibisita ng iilang mga bahay ay
hindi nakaligtas sa usap-usapan na ang dating aktor ay tatakbo sa halalan sa
sususunod na taon. Lalo’t naging malakas ang usapang pag takbo niya noong
nakaraang June ng mag donate siya ng L300 service vehicles sa isang lokal na
pamahalaan sa Quezon City na para sa district 1. Subalit hindi parin nag labas
ng pahayag ang aktor at ang mga magulang nito kung tuluyan na nga bang papasukin
ni Arjo ang posisyon sa gobyerno.
Photo courtesy: Showbiz Philippines YT channel
Sumikat at nakilala si Loren Legarda sa larangan ng broadcasting. Naging reporter siya sa RPN9 at isa ring siyang sa mga naging anchors sa isang news program na The world Tonight pati rin sa The inside story. Marami rin siyang natanggap na awards sa kanyang pagiging isang journalist. Taong 1998 ay tumakbo na siya sa isang posisyon sa gobyerno na Senador kung saan nakakuha siya ng pinakamataas na boto. Sa darating na halalan sa 2022, inanunsyo ni Loren na siya ay babalik sa kanyang ikalawang tahanan; ang senado.
Photo courtesy: Showbiz Philippines YT channel
Kapatid ng isang sikat at kilala na broadcast journalist na
si Raffy tulfo ay si Erwin Tulfo. Siya rin ay isang kilalang TV at Radio
broadcast journalist. Isa pala si Erwin sa mga pioneer reporter ng ABS-CBN at
sa mga iilang news programs din na kaniyang kinabibilangan tulad ng Magandang
Umaga Bayan. Naka tanggap din siya ng award bilang Best Male reporter
noong 2014, 2015 hanggang 2016. Siya ay
kompirmadong sasabak sa darating na eleksyon bilang isang kongresista sa ilalim
ng ACT-CIS Partylist (Anti-crime and Terrorism Community Involvement and
Support)
Photo courtesy: Showbiz Philippines YT channel
Nakilala si Lucy bilang isang Shampoo model at ikinasal sa
kanyang nag-iisang long time crush na si Richard Gomez. Pinasok ni Lucy ang
mundo ng showbiz ngunit ito’y panandalian lamang at kanyang pinasok naman ang
pagseserbisyo sa mga tao at mundo ng gobyerno sa taong 2010. Unang naging
usapang ang pagtakbo nito bilang isang senador sa darating na halalan ngunit
nalaman nalang na pagiging Mayor ng Ormoc nalang ang kanyang tatakbuhan at
hindi na sa senado.
Photo courtesy: Showbiz Philippines YT channel
Kilala bilang world-wide boxing champion si Manny at sa taong 2007 naman ay kanyang sinubukang pasukin ang posisyon bilang kongresista sa 1st district ng Cotabato subalit hindi ito nanalo. 2010 ng siya’y tumabko muli bilang kinatawan ng Saranggani Province na napanalunan naman niyang posisyon. Taong 2016 ng manalo ito bilang senador. Sa ika 21 ng Semptyembre, inanunsyo na ng senator na si Pacquiao na siya ay tatakbo bilang isang presidential candidate sa darating na halalan.
0 comments:
Post a Comment