Tuesday, October 5, 2021

Dating Sikat na Singer na Drayber na ng Rolling Milktea Store Ngayun Hinangaan ng mga Netizens Dahil sa Kaniyang Inspirasyonal na mga Mensahe

Views
Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel


Kauna unahang The Voice season 1 Grand winner si Mitoy Yonting noong 2013 kaya tila’y naging mabilis ang kaniyang pagkasikat noong mga araw. 

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel

Pero bago paman niya napanalunan ang The voice season 1 Grand winner na titulo, Si mitoy ay sumabak na sa mga iilang kompetesyon na inere sa Telebsiyon kagaya nang “Ikaw at Echo” sa taong 1990s. At pati narin ang ang pag-aarte ay napasok na niya. May mga TV appearances na siya sa GMA sa sitcom na Ful Haus, H30: HA HA HA Over at naging regular na host pa ito sa Eat Bulaga. 

Sa lahat nang mga oportunidad na natanggap ni Mitoy, ang The voice Ph talaga ang naging turning point ng kaniyang buhay. Mas naging kilala siya at dumami pa ang kaniyang mga oportunidad na natanggap pagkatapos manalo.

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel

 Bumalik ito sa pag-aacting at ito pa ay naging judge sa Tawag ng Tanghalan sa Its Showtime. Kaya kung iisipin, nakapag ipon na ito at nakapag pundar na ng maraming pera.

Subalit ng dumating ang pandemya, marami ang nawalan ng trabaho lalo na ang mga artista at hindi nakaligtas si Mitoy dito dahil isa rin siya sa biktima ng pandemya.

Sa kaniyang interbyo kasama si Ogie Diaz, aminado naman ang singer na naapektohan din ang kaniyang pang hanap buhay ngunit hindi raw ito naging mabigat na problema para sa kaniya. Ayon kay Mitoy, Sisiw lang daw para sa kaniya ang problema na ito kumpara sa nadaaanan nila mag pamilya noon.

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel

Nang matanong siya ni Ogie kung ano ang kaniyang realization dahil sa pandemya, ang naging sagot naman ni Mitoy ay

“Nung mag pandemic, talagang 24 hours, 24/7 magkakasama kami. Yung halaga ng oras na, hindi naman nasayang kasi nag tatrabaho, I mean yung you’re with your family, talagang sobra-sobra. Nakakainip dahil nga nasanay na tayo sa trabaho pero pag yung brighter side yung tinignan mo, naging magkakilala lalo kayo na mag pamilya.”  

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel


Mahilig daw talaga rin silang mag milktea sa mall kasama ang kaniyang misis kaya nung may nag offer ng franchise sa kanila na milktea, nakumbinse sila pareho na subukin ang pagnenegosyo.

Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel


Photo courtesy: Ogie Diaz YT Channel

Kaya ito na nga ang The KRT rolling store milktea kung saan ang kaniyang misis at pamangkin nito ang nag titimpla habang siya naman ang mismong driver o nagmamaneho sa kanilang rolling store. Ayon pa sa kaniya na wala siyang pakelam kung ano ang sasabihin ng ibang tao, kung sasabihan ba siyang naghihirap na o nawawalan na ng pera kaya nag titinda na lamang ay okay lang sa kaniya. “Atleast ako kumikita dito.” Biro pa niya.

Para daw sa kaniya ay hindi na importante ang pera ngayon kundi kung saan ka masaya at masaya siya sa pagtitinda kasama ang kaniyang partner so iyon ang importante para sa kaniya.

Binaha naman ng paghanga galing sa mga netizens ang comment section nito.

Agree this is one of the best episodes of ogie! Amidst the challenges/difficulties we are experiencing, Mitoy has a positive approach/perspective..Complaining won't do or change anything..Kaw lng talaga magpapabago ng situation if you change the way you think in a different way..Kahit anong question meron si ogie na mapapaisip ka sa bigat na dala ng pandemya, Mitoy remains consistent with his outlook in life..Nice one Mitoy..May God bless him more..”

In all honesty, one of the BEST episodes or vlogs I have watched in YouTube! Very positive and Mitoy conversed everything on point. This video resonates good attitude, hope, and positivity…very helpful during this time. Kudos! Such amazing talent and very good character.

 

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment