Photo courtesy: Toni Talks YT |
Ang Kapamilya star na si Maria Carmela Brosas o mas kilala sa kaniyang screen name na K Brosas ay isang sikat na komedyanteng aktres at mang-aawit. Sa kaniyang ika-dalawampot isang taon sa industriya ay naimbitahan siya nito lang lingo sa isang episode ng ToniTalks na magiging guest ng kanya namang kapwa kapamilya star ang host na si Tony Gonzaga. Dito, naikwento ng artista ang kaniyang mga pinagdaanan sa kaniyang buhay noong siya’y bata pa lamang. Ayon pa naman sa komedyanteng aktres na si K, sa dami na ng interviews at palabas na naging guest siya, ito pa unang oportunidad na maikwento niya na naka detalye ang kaniyang buhay at ang relasyon niya sa kaniyang mga magulang.
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Ayong kay K, ang kaniyang nanay ay isang entertainer o “Akyat-barko” noong 70’s sa Olonggapo.
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Siya raw ay nag eentertain ng mga dayuhang amerikano at iba’t-iba pang nationalities at doon na din daw siya nabuo. Ngunit, lingid sa kaalaman ng kaniyang nanay kung sino ang tatay ni K. Kaya ipinanganak si K na hindi kilala kung sino ang kaniyang tunay na ama.
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Kilala naman ni K kung sino ang
kaniyang ina ngunit hindi siya lumaki sa pangangalaga nito dahil paglabas na
paglabas palang niya sa sinapupunan ng kaniyang ina, ay ibinilin naman siya sa mismong
kapatid nito, at iyon naman ang kinikilala niyang nanay.
Ayon kay K, lumaki siyang hindi
nakaramdan ng pagmamahal ng pamilya. At dahil alam niyang hindi siya tunay na
anak, lumaki siyang nagrerebelde. Biro pa niya na siya raw ay Battered Chicken, Ibig sabihin na pisikal
siyang sinasaktan at binubogbog ng kinikilalang mga magulang niya. Subalit
aminado naman ang aktres na ang pagbubugbug ng kaniyang kinikilalang nanay ay
dahil naman daw sa mga pinag-gagawa niya; nangungupit at sumasagot sa mga
nakakatanda sa kaniya.
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Kwento pa ni K na nahampas pa
niya ng electric fan ang kaniyang totoong nanay dahil sa pag-aaway nila nung
siya pa lamang ay 15 years old. Kaya nung may nag offer sa kaniyang kumanta sa
abroad ay agad naman niya itong tinanggap na hindi nagpaalam ng nino man.
Doon naman nag simula ang karera
ni K. Pag uwi naman nitosa Pilipinas ay tila’y nabuntis din siya na walang ama
ang anak niya. Ngunit masaya si K, dahil ang iniisip niya no’ong panahon na
iyon ay may kakampi na siya sa wakas.
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Marami pang mga pagsubok na nadaanan
ang komedyanteng si K. Na diagnosed pa ito ng chronic anxiety disorder kung
saan ay halos everyday siyang nag seseizure, kaya pala may era sa kaniyang
karera na labis ang kaniyang pag bawas ng timbang.
Photo courtesy: Toni Talks YT |
Dagdag pa ng artista na ang
tanging hiling nalang niya ay pag-aayusin ang relasyon niya sa kaniyang totoong
nanay dahil hanggang ngayun pala ay hindi pa sila bati. Alam naman niyang hindi
ito maging madali pero sana man lang na hanggang may buhay pa sila ay maging
okay sila ng kaniyang pamilya.
Some of the funniest people have the saddest stories, ika nga.
Dahil sa mga pinagdadaanan ng komedyang si K, ay naging coping mechanism niya
ang pagpapatawa sa mga tao. Ayon pa sa kanya na isa itong gift na kaniyang
gagamitin hanggang kaya niya.
0 comments:
Post a Comment