Wednesday, January 26, 2022

Magkakapatid na Dati’y Nakatira sa Kubo Ngayo’y Nakapagpatayo ng Dream House Para sa Magulang

Views
Larawan mula kay Sar Calva

Talaga namang nakakapagpangiti sa’tin ang mga nakaraang kaysarap balik-balikan lalo kapag dati’y kapus-palad ka at ngayo’y matagumpay mong natupad ang isa mong pangarap dahil sa pagsusumikap, tiyaga, sakripisyo at diskarte para malampasan mo ang mga pagsubok sa buhay.  

Alam mong worth na worth ang pagsusumikap mo at nakita mong nagbunga at lalo na pangarap mo ito para sa mga mahal mo sa buhay.

Sa isang Facebook group na Home Buddies, ibinahagi ng isang netizen ang kuwento ng kanilang pamilya at kung paano nila nalampasan at napagtagumapayan ang ang mga pagsubok sa buhay. 

Nais lamang daw magbigay ng inspirasyon ang kaibigan nating si Sar Calva sa mga taong dumadanas ngayon ng mga pagsubok sa buhay.  

Larawan mula kay Sar Calva

Larawan mula kay Sar Calva


Isang mahirap na pamilya lamang daw sina Sar at siyam silang magkakapatid kwento niya. 

 Dahil sa alam ng kanilang mga magulang na ang susi kung paano sila makaahon sa kahirapan ay ang edukasyon, todo kayod sa pagsisikap sa trabaho ang kanilang mga magulang para sila’y makapag-aral.

 Kahit na madalas kulang ang pera nila sa pagkain ay maspina-prioritize ng kanilang magulang ang pag-aaral nilang magkakapatid.

Hindi naging kumportable ang pamumuhay nilang magkakapatid habang sila’y lumalaki gawa ng barong-barong lamang ang kanilang munting tahanan.

Ang dami nilang naranasang hirap dahil naka-ilang lipat na sila ng tirahan, naranasan nilang makitira at palayasin at pati sa bundok na walang kuryente na malayo sa kabihasnan ay kanila ring naranasan.

 Pero kahit nagkaroon sila ng maliit na bahay gawa ng ipon ng kanilang magulang, ito’y barung-barong lamang maliit para sa kanilang magkakapatid. 

Larawan mula kay Sar Calva


Pero hindi naging hadlang sa kanila ang pagkakaroon ng maliit na tirahan bagkus dito sila bumuo ng pangarap na balang araw ay magkakaroon din sila ng bahay na kung saan kumportable silang maninirahan kasama ang kanilang mga magulang. 

 Nagsumikap silang magkakapatid at dahil sa tiyaga ay nakapagtapos sila at nagkaroon din sila ng kani-kanilang pamilya. 

Kahit nagkaroon na sila ng kanya-kanyang pamilya ay hindi sila nakalimot sa mga sakripisyo ng kanilang mga magulang at tulong tulong sila maipaayos ang ancestral house nila para sa kanilang mga magulang. 


Larawan mula kay Sar Calva

Larawan mula kay Sar Calva


Narito ang kabuuan ng post ni Sar Calva sa Facebook group page na Home Buddies:

“Hello mga ka HB! 

Let me share our story, not to brag but to inspire and to give motivation to us all. We came from a poor family. We are 9 siblings (do re me). Our parents value Education - so even our situation is like kulang pa sa pagkain ang kinikita nila they still sent us to school..we never complained the hardships in life, each of us(siblings) experienced the difficulties and different trials.

We grew up without a comfortable house. Na experience namin na nakikitira sa ibang bahay at pinapaalis, na experience namin na tumira sa bundok ,walang kuryente malayo sa mga tao..nagkaroon kami ng maliit na bahay pero it looks like temporary hindi sya tapos. *

Dahil sa sitwasyon namin, lahat kami nangarap na magkaroon ng sariling bahay someday, nangarap na mabigyan ng magandang bahay ang parents namin.
 
Fast forward lahat kmi nakapagtapos ng pag aaral, nagkaroon ng trabaho at nagkaroon din ng mga sariling pamilya..May mga sariling bahay na rin kmi pero ang e - po post ko dito hindi un mga sariling bahay namin kundi ang ANCESTRAL HOUSE namin na ginastusan ng Isang Kapatid namin (thank you Andj Lina ). Sad nga lang dahil nasa heaven na ang parents namin. Pero kahit wala na sila alam namin they are happy kasi pangarap nila ito. Sa panganay naming, salamat at kahit hindi sya architect pero sya ang nag paplano sa design sa bahay in collaboration sa mga ideas naming magkapatid. Salamat sa ibang mga kapatid na bumili ng mga gamit sa bahay, Salamat sa parents namin na kahit wala na sila pero we can still feel their guidance at higit sa lahat Salamat kay Lord God for All the blessings, guidance and protection.

 Lahat tayo may karapatang mangarap kahit mahirap tayo, all our dreams are valid. “
Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment