Ogie Diaz YT Channel |
Hinangaan ng netizens ang kabaitan ni Pokwang dahil sa pagtulong nito sa mga maliliit na negosyente kahit na ang isa sa mga tinulungan niya ay niloko ito kahit na nagbayad naman si Pokwang ng buo.
Napaiyak si Pokwang habang ikinukuwento ang kanyang karanasan sa kanyang negosyo na kinailangan niya ng isang kasangkapan na kanyang ipinagawa sa kanyang pinakakatiwalaang manggagawa at para hindi na mamroblema pa sa pambayad ay kanyang nang binayaran agad ang nasabing mangagawa kahit na hindi pa naman nasisimulan ang naturang kasangkapan na gagamitin ni Pokwang sa kanyang negosyo.
Ogie Diaz YT Channel |
Ogie Diaz YT Channel |
Maslalo pang hinangaan ng netizens si Pokwang nang ikuwento nito na imbis na magalit siya sa mangagawa ay nalungkot pa ito nang kanyang makita ang kalagayan ng mangagawa at napagtanto nito na maskailangan nila ang perang nakuha nila kay Pokwang.
Ogie Diaz YT Channel |
Ogie Diaz YT Channel |
Ogie Diaz YT Channel |
Sabi pa ni Pokwang naiinis siya kasi masmalaki pa sana ang kanyang maitutulong kung naging tapat sana ang manggagawa sa kanya dahil kung nagawa niya yung pinapagawa ni Pokwang ay maipo-post pa niya ito sa kanyang social media account at maari sanang makatulong pa ito sa manggagawa.
Sabi pa ng mga netizens:
“Relate na relate ako kay Pokwang. I've always seen her as a genuine and transparent person. As an OFW, I can relate to the feeling na akala ng mga tao marami kang pera at kumikita ka ng malaki kaya pag hindi napagbibigyan sumasama ang loob, or madamot ka or mayabang ka na. People will have endless things to say against you to the point of demeaning you without realizing na yung perang kinikita mo pinagpapaguran mo.”
“ Sana mawala na sa kultura ng mga Pilipino ang pag hingi at palaasa sa kamag anak na umaahon kahit may sarili ng pamilya. Okay lang humingi ng tulong isa hanggang tatlong beses pero yung sobra sobra na tapos pag d napag bigyan galit at sasabihan kang ang damot mo o yabang mo na porket nakakaahon ka. Pati yung kultura na ginawang pensyon ang anak. Tsk tsk sorry sa mga ma o-offend na mga tao pero d talaga ako pabor sa mga magulang na umaasa sa anak. Dapat kung kaya niyo bumuo ng pamilya at anak dapat kaya niyo din buhayin at tulungan sarili niyo sa time na may sarili na ding pamilya ang anak niyo dahil kung aasa lang din kayo pag tanda niyo sa anak niyo eh parang pinasa niyo nalang din ang kahirapan at yung responsibility niyo as a parent sa sarili niyong anak!”
“ I feel you Ms Pokwang, I worked so hard day and night pero hinihingi lang ng mga kapatid ko at yung mom ko ang nagiging tulay nila para humingi sa akin ng pera para makapagsimula sila dahil walang wala nga sila. Di na ako nag hihintay na ibalik nila sa akin yon, bigay ko nalang sa kanila yon. Diyos na ang bahala sa kanila. Salute to you Ms Pokwang! Sobrang nakaka inspire yung story mo bilang isang Ina, anak at kapatid.”
0 comments:
Post a Comment