Tuesday, February 1, 2022

Babae Nagalit Nang Singilin sa Utang na Dalawang Taon na Nakakalipas Sinisi pa ang Pinagkautangan

Views

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang) 


Paniguradong isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang samahan at pagkakaibigan ay ang utang kaya may mga taong ayaw magpautang sa kaibigan dahil alam nila na nakakasira ito ng pagkakaibigan di bale na manghingi na lang o manghiram ng ibang bagay wag lang ang utang, madalas kasi pag pinautang at hindi nakabayad hindi na rin magpapakita ng tinuturing mong kaibigan lalo na’t nahihiya rin ito. 

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)

May mga tao rin kadalasan na ang amo ‘pag uutang sayo pero nagiging masungit na ‘pag iyo nang siningil ikaw pa tuloy nagmumukhang masama lalo na kapag kamag-anak mo ang nangutang kaya naman inaabot ng siyam siyam ang bayad sa kadahilanang nahihiya ka ring maningil dahil sa mga kamag-anak mo ito at madalas binabaon pa sa limot ang kanilang inutang.  

May isang netizen kasi ang nag-post sa FB sa naranasan niya sa kanyang kaibigan na sinisi pa siya nang singilin niya ito ng utang niya na dalawang taon na nakalipas dahil hindi naman daw ito kusang nagbabayad at hiniintay lamang niya na kusa itong magbayad since magkaibigan naman sila. Kaya naman akala ni Aira M. Polea na inutangan ng kaibigan para siya pa tuloy may kasalanan sa di niya pagsingil ng masmaaga. 

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)

Kaya naman para malaman ng netizens ang ganitong klaseng kaibigan ipinost ni Aira ang conversation nila ni Aira sa Facebook. 

“Hi Dear! Kamusta? Ask ko lang pala kung pwede ko na makuha yung Hiniram mo, kahit di buo para di ka mabigatan..regards mo ko sa cute na baby mo,” message ni Aira.

Sumagot naman ang kaibigan ni Aira ngunit halatang gigil na gigil ito at naiinis sa ginawang paniningil ng kaibigan.

“Ok lang naman kami. Bakit ngayon ka lang naningil? E cympre magagamit namin pera. Kasalanan mo yan, kunwari ka pang concern sa anak ko, maniningil ka lang naman. Alam ko naman na malaki utang ko di ko naman nakaka limutan pero sana marunong kang umintindi palibhasa may pera ka.”

Dahil sa pinahahalagahan ni Aira ang kanilang pagkakaibigan naging kalmado pa rin siya at humingi pa ng paumanhin dahil tila na-offend pa ang kaibigan na umutang sa kanya. 

“Sorry if na offend kita. Wala naman ako intention na ganyan ma feel mo, and pasensya na if feeling mo di ako concern sa baby mo. Alam mo naman di ako masingil and nahihiya din ako, sabi ko kasi babalik mo kagad after 1 month, mag 2 yrs n kasi iniisip ko mag kukusa ka. Sorry ulit la.”

 Ngunit may mga tao talagang makapal ang mukha at kahit na ikaw pa ng pautang ay ikaw pa ang gagawing masama tulad na lang ng kaibigan ni Aira na siya pa ang sinisi. 

“So sinasabi mo di ako nag babayad utang? Minsan sana marunong ka makaramdam, madami din ako bills na dapat bayaran at di lang ikaw.”

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)

Narito ang buong post ni Aira:

“Hindi po talaga ako marunong maningil ng umuutang, kasi ako pa ang nahihiya pero ito, iniisip ko pa mabuti pano sya e-txt. Nakakahiya naman at nagalit sa akin dahil naningil ako. Sorry na po! Nangungutang din naman ako pero di ako ganito. Nakaka takot na maningil sa panahon ngayon. Baka sa sunod masapak na ko nito. Mapapakanta ka nlng tlga ng #itreallyhurts”

Narito naman ang comments sa kanyang post: 

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)

Larawan mula kay Aira M. Polea (ang nagpautang)


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment