Saturday, February 12, 2022

Lalaki Iyak nang Iyak sa Nanay 3 Years na Ipon Para Makabili ng Kamera Na-scam Lang

Views

Larawan mula sa FB ni Christian Paul Baran

 

Viral sa Tiktok ang bidyo na kung saan isang lalaki ang na-scam sa online shop at halos mawalan na ng pag-asa sa buhay dahil sa nawalang napakalaking halaga para sa isang taong inipon ng tatlong taon para lang makabili ng kamera para sa kanyang trabaho.

Isang photographer si Christian Paul Torrentira Baran na taga Bukidnon na para sa kagaya niya napakahalaga ng kamera o mamahaling kamera gaya ng DSLR dahil ito ang ginagamit sa bilang photographer ng mga events gaya ng photo and video cover! Prenup, wedding, christening, birthdays, debut at burial. Yan ang mga event na kung saan kinakailangan ni Christian ang mamahaling kamera. 

Larawan mula sa FB ni Christian Paul Baran

Larawan mula sa FB ni Christian Paul Baran

Larawan mula sa FB ni Christian Paul Baran

Kaya naman nang maka-ipon ito para makapag-upgrade ng kamera ay napagpasyahan daw niya di umano mag-order online, sa pagtitiwalang makakaabot sa kanya ang item ay hindi pala ito ang mangyayari sa pagkat ini-scam siya ng mismong seller ng kamera na dapat sana gagamitin niya sa kanyang hanap-buhay. 

Bumuhos ang mga comments sa bidyo ni Christian na halos mag-break down na dahil sa panghihinayang at pagkawala ng mahigit 43k pesos na nawala sa kanya, kaya naman hindi niya mapigilang umiyak na para bang bata at kailangan ng pagmamahal ng ina para maibsan ang sakit at lungkot na kanyang nadarama sa pagkawala ng pinaghirapan niyang ipuning pera sa loob ng tatlong taon. 

Larawan mula sa FB ni Christian Paul Baran

Larawan mula sa FB ni Christian Paul Baran

Lubos naman na naiintindihan siya ng kanyang ina at niyakap ito at sabay sabing “Ok lang yan anak, masmahalaga ang buhay kaysa sa nawalang pera sayo” habang niyayakap ang anak dahil nagaalala si nanay na baka may gawin si Christian sa kanyang sarili kaya naman sinasabi sa kanya ni nanay na masmahalaga ang buhay kaysa sa nawalang pera niya.

Pagkatapos mag-viral ang bidyo na kuha sa kanya ay agad naman bumuhos ang blessings sa kanya at sa katunayan ay maraming grupo ng photographer lalo na sa kanilang lugar ang nag alok ng tulong sa kanya, pati na rin ang isang supplier ng kamera ay binigyan siya ng malaking discount para lang maibsan ang lungkot at panghihinayang na nadarama ni Christian. 

Screenshot mula sa FB ni Christian Paul Baran


Screenshot mula sa FB ni Christian Paul Baran

Screenshot mula sa FB ni Christian Paul Baran


Samantalang nakarating sa nang-scam sa kanya ang bidyo ni Christian at tinamaan ito ng konsensya at sakatunayan ay nag-pm pa ito kay Christian na ibabalik ang pera na kanyang ini-scam. Sa post ni Christian ay 11k pa lang ang naibabalik ng nang-scam sa kanya dahil nagamit daw ito sa ospital ngunit ibabalik daw niya ang kulang pa. Ganun pa man ay naiintindihan pa rin ni Christian ang kalagayan ng taong nang-scam sa kanya at nagpasalamat pa dahil kahit papaano ay naibalik kahit 11k lang ang naibalik. 

Screenshot mula sa FB ni Christian Paul Baran


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment