Saturday, February 5, 2022

Lolo na matiyagang nag-apply kalauna’y natanggap naman bilang isang call center agent

Views


Photo: Rodge Tonacao Facebook

Usap-usapan ang 73-anyos na lolo na matiyagang nag-apply ng trabaho at buti nga raw kalauna'y natanggap bilang call center agent.

Kuwento nga’y isa raw ang BPO industry sa mga larangan na hindi tinitingnan ang edad at antas ng edukasyon ng mga naga-apply at bukod sa magandang sahod ay mahahasa rin daw ang iyong computer at communication skills.

Photo: Rodge Tonacao Facebook

At sa kwentong ibinahagi sa Facebook ni Rodge Tonacao, isang job fair sa Bogo City Cebu ang agaw atensyon sa mga netizens ngayon sa social media.

Photo: Rodge Tonacao Facebook

Ang isang ordinaryong paga-apply daw kasi noong nakaraang Sabado ay naging talagang espesyal dahil natanggap si Rotello Escanilla.

Photo: Rodge Tonacao Facebook

Inakala pa nga raw ng ibang tao na sinasamahan lang ni Lolo Rotello ang kaniyang apo na mag apply at hindi sukat akalain na siya na pala mismo ang aplikante.

Photo: Rodge Tonacao Facebook

Talagang tiyaga ang pinairal ni Lolo Rotello mula sa paghihintay sa napaka habang pila hanggang sa final interview ng nito.

Photo: Rodge Tonacao Facebook

Ngunit hiling naman ng mga netizens sa kumpanyang tumanggap kay lolo na kung posible mailagay siya sa day shift para na rin sa kanyang kalusugan.

Photo: Rodge Tonacao Facebook


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment