Friday, February 18, 2022

Silipin ang Magarbong Bahay ni Kris Aquino sa Quezon City na may Tatlong Palapag

Views
Larawan mula sa Realliving


Paniguradong isa sa mga pangarap ng bawat tao sa mundo ay ang magkaroon ng maganda at sariling tahanan na kung saan doon sila maninirahan ng mabubuong pamilya, isa rin ito sa tanda na pagka may sarili kang bahay ay tanda na rin ito na isa ka na sa mga taong nakakaangat na kompara sa ibang tao na kailangan pa magbayad ng renta para lang may masilungan lalo na dito sa Pinas na napakamahal lahat ng mga bayarin. 

Ang hirap lang isipin sa mahal ng mga bayarin natin dito sa bansa ay mahirap na magkaroon ng sariling bahay maswerte na lang ang mga taong nagkakaroon ng sariling bahay at hindi na iniisip ang bayarin sa renta, anyway dahil bahay naman ni Kris ang usapan natin ngayon atin na lang itong pag-usapan para kahit papaano ay magkaroon tayo ng inspirasyon. 

Larawan mula sa Realliving


Ayon sa nag-design ng interior ng bahay ay gusto maging parang English cottage ang theme ng bahay kaya naman kanya pa itong ipina-renovated dahil sa loob ng tatlong buwan at kalahati ay lilipat na sila dito. 

Si interior designer naman na si Rossy Yabut-Rojales at kanyang team ang napili ni Kris Aquino para ma-achieve ni Kris ang nais niya theme para sa kanyang lilipatang bahay. 

Medyo nahirapan naman ang team ni Rossy dahil malaki ang bahay at kinailangan pa baklasin ang ilang mga walls para masunod ang gusto ni Kris Aquino at ma-apply din ang Feng Shui na pinapaniwalaang swerte sa bahay. 

Ninais naman ni Kris na sa Sala at mga lugar na may sofa ay may natural lighting kaya naman may mga malalaking wall dito na gawa sa glass para makapasok ang natural lighting ng araw at gusto rin ni Kris na matataas ang center table nito dahil karamihan naman sa kanyang bisita ay related sa work kaya mas-functional ang table na mataas na kung saan nagagamit ang laptop. 

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Tulad ng nakasanayan ng mga pinoy na nasa sala ang TV ganun din naman ang ginawa ni Kris na may isang napakalaking TV sa sala at sa likod naman nito ay Grand Piano. Lakas naman talaga makayaman ng malaking TV at isang malaking Grand Piano sa isang bahay sabayan mo pa ng isang malaking golden buddha na rebolto ganun kasi ang setup ni Kris. 

Sa kusina naman ay puti ang kulay at kapansin pansin ang mga chandelier sa itaas ng mesa na talaga naman nakaka-agaw pansin at tila mahilig sa art si Kris dahil punong puno ng picture art na naka-frame ang kusina niya talaga namang ang cozy ng bahay at nakaka-relax.

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Ang dating table naman ng kanyang ina na dati ring pangulo ay inaalagaan ni Kris kaya naman mapahanggang ngayon ay kasama pa rin niya kaya naman iminatch pa ni Kris ito sa upuan na babagay rito.

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Isa rin sa pinakagusto ni Kris at pinakanakakaaliw na part ng kusina ay ang glass cabinets ni Kris na kung saan dito mo makikita ang mga tea sets at ang mga regalo sa kanya ng mga taong nagmamahal sa kanya talaga namang nakakadagdag tanawin ito sa isang kusina. 

Larawan mula sa Realliving


Hindi rin mawawala ang makeup room ni Kris na nasa 1st floor para kahit rush a rush siya ay hindi siya makakagulo sa mga tao sa itaas at mayroon din ito private toilet para hindi na rin need pang lumabas ng room para mag-cr lalo na ang kanyang mga makeup artist. 

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving


Narito naman ang ilang part ng kanyang bahay na kung saan mag-e-enjoy kayo na sa tingin pa lang ay talaga namang mapapasabi ka na talagang namuhay ang mga ito sa karangyaan at nakakapukaw na damdamin at pangarap na sana balang araw ay magkaroon ka rin ng tahanan na may ganitong design. Pero maniwala ka ang totoong yaman ay ang kalusugan kaya kung wala kang sakit ngayon isa yun sa bagay na dapat mong ipagpasalamat kasi ang yaman ay baliwala kung naghihirap ka naman dahil sa kalusugan mo. 

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving

Larawan mula sa Realliving



Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment