Kamailan ng maging usap-usapan ang isang lalaking pinag-aral ang ‘di kilalang babae at isang araw ay iniligtas ang kanyang buhay makalipas ang 11 taon.
Alam naman natin na ang pagtulong sa ating kapwa lalo sa kanilang labis na pangangailangan ay talagang may malaking kapalit ito sa’yo malaking tulong man o maliit.
Marami nga raw ang ‘di naniniwala sa kasabihang ito ngunit isang lalaki ang nagpatunay na totoo ang kasabihang ito.
Dahil sa China may isang lalaki ang tumulong sa isang babae dahil sa hirap ng buhay nito at mga pagsubok na pinagdaanan noong tumama ang malakas na lindol sa lugar kung saan sila naka tita
Nakilala nga raw ang babae na si Tam Ling at kuwento nito, ang kaniyang tatay ay mayroong kapansanan at ang kaniyang ina naman ay mayroong malalang sakit.
Kaya naman dahil siya ang panganay, si Tam Ling ang nag-aalaga sa kanyang mga dalawang nakababatang kapatid.
Sa hirap at pangyayari nga iyon ay napilitan ang pamilya ni Tam Ling na makitira sa kanilang kapitbahay dahil wala rin silang pera para maipagawa ang kanilang bahay.
Nakilala naman ang lalaki na si Zheng Hua at hinangan umano ito sa kwento ng buhay ni Tam Ling at sinabing nakikita niya ang kanyang sarili sa kalagayan nito kaya tinulungan niya ito.
Si Zheng ay laking hirap kaya alam daw niya ang hirap na pinagdaraan noon ni Tam Ling at kaya napagisipan niya na tulungan ito.
Ibinigay niya ang kanyang cellphone number at sinabi kay Tam Ling na tawagan siya kapag nakapagtapos na siya ng high school.
Matapos nga ang ilang taon ay nakatapos sa high school si Tam Ling at agad tumawag ang ama nito kay Zheng upang ipaalam ang na nakatapos na sa highschool ang kanyang anak.
Matapos ‘yun ay Inirekomenda naman ni Zheng si Tam Ling sa isang medical school at binayaran narin nito ang tuition fee niya para sa unang taon.
Pati na nga rin daw ang mga pangangailangan ng dalawang kapatid pa ni Tam Ling ay si Zheng narin ang nagbayad.
At makalipas nga raw ang ilang taon ay naging isang certified optometrist na si Tam Ling at noong March 19, 2019, dinala sa ospital si Zheng dahil sa sakit na brain aneurysm. Mabuti na lamang at sa ospital kung saan nagtatrabaho si Tam Ling dinala si Zheng.
Agad-agad nga raw ionayos ni Tam Ling ang mga pangangailangan ni Zheng. Katulong ni Tam Ling ang kanyang asawa upang alagaan si Zheng at mula sa pag-admit sa ospital hanggang sa mga check-ups nito ay sinasamahan nila ito.
Sabi ni Zheng:
“11 years ago, I put her through the medical school. Eleven years later, she saved my life! I shared this story because I want to motivate others to spread kindness!”
0 comments:
Post a Comment