Tuesday, March 29, 2022

Penguin lumalangoy ng 8,047 kilometro taun-taon para lang bisitahin ang matandang tumulong sa kanya noon

Views

 

Photo: TV Globo

Kamakailan ng mag-viral sa social ang isang matanda ang penguin na kung saan ay naglalangoy ng 8,047 kilometro taon-taon para bisitahin ang matandang sumagip o tumulong sa kaniya noon.

Talaga namang kinatuwa at ikinabilib ito ng netizens dahil talaga namang matapos mangyari yun ay nagagawa pa rin nilang makapagtagpo.

Photo: TV Globo

Ang isang matandang lalaki na ito at ng isang penguin! Taong 2011 nang matagpuan ni Joao Pereira de Souza, 73 taong gulang ang isang kawawa at naghihingalong penguin sa dalampasigan.

Photo: TV Globo

Matapos magkita ang dalawa’y inuwi ng matanda sa kaniyang bahay para gamutin. Dahil talaga namang hindi sumukong alalayan at gabayan ang hayop na ito ng matanda hanggang sa tuluyan iitong gumaling.

Makikita kasing balot na talagang namang balut na balot ng itim na oil ang penguin na isang linggo rin daw nilinis ni Joao. 

Photo: TV Globo

Kaya’t nang maging mabuti na ang kalagayan ng naturang penguin ay kaagad naman itong pinakawalan at ibinalik na sa karagatan.

Pero ang hindi inaasahan ni Joao na muli itong babalik sa dalampasigan kung saan siya natagpuan ng matanda at talagang naalala pa nito ang mismong lugar kung saan siya tinulungan ng matanda.

Kalaunan noo’y hindi kailan man nangangamba ang penguin na bumisita sa kaniyang kaibigang si Joao upang magpasalamat sa pagsasalba nito sa kaniyang buhay.

Photo: TV Globo


Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment