Larawan mula sa IG ni Andrew E. |
Sa larangan ng pag-ra-rap isa sa mga unang pangalang papasok sa utak mo ay si Andrew Ford Valentino Espiritu o maskilalang sa pangalang Andrew E. Si Andrew E. ay ipinanganak noong July 30, 1967 at maliban sa pagiging rapper ay kilala rin si Andrew E. bilang record producer, actor, toy collector at comedian kaya siya nakagawa ng pangalan sa industriya ay dahil sa kanta niyang “Humanap ka ng Pangit” noong 1990.
Noong 2010 ay nanalo si Andrew E. ng award na “Rap Album of the Year” sa album niyang Clubzilla sa PMPC Star Awards for Music.
Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Andrew E. na siyang nagpasikat ng sikat na rap song na”S2upid Luv” noong 2002 dahil sa group talent niya na Salbakuta kaya naman sa kanta na ito maslalo pang namayagpag ang pangalan ni Andrew E.
Pero aminin na natin na ‘pag sinabing Andrew E. ay malayong isipin natin na magaling siya magsalita ng wikang English dahil na rin kasi sa mga rap niya na puro Tagalog atwala sa pagmumukha ni Andrew E. na magaling mag-English dahil kahit sa mga palabas niya dati ay hindi mo siya makikitaan na magaling mag-English.
Lumang interview ni Andrew E. |
Lumang interview ni Andrew E. |
May isa siyang interview noon na kumakalat ngayon sa Tiktok na kung saan nagpapakita ang isang Andrew E. na sanay pala siyang magsalita ng wikang English kaya naman hinangaan ito ng mga netizens at sa katunayan ay sinabihan pa ito na “he sounds expensive” ng mga netizens at talaga namang maraming napahanga ng rapper ang mga netizens na nakapanood ng kanyang interview.
Sa kanyang interview pinatunayan lang ni Andrew E. na porket hindi nag-e-English ang isang tao at madalas local language lang ang ginagamit doesn’t mean na hindi na ito marunong mag-English at pinatunayan din niyang you can’t the book by its cover.
0 comments:
Post a Comment