Larawan mula sa Tiktok ni Boy Abunda |
Ilang araw na lang ay halalan na at ramdam na ramdam na ng bawat pilipino ang impact ng election sa bawat pilipino, pati sa socmed ay talaga namang sa bawat refresh mo ng inyong newsfeed ay halos laman nito ay patungkol sa darating na halalan sa May 9, 2022.
Ito naman ang topic na ibinahagi ng batikan na talk show host na si Boy Abunda ang mga pangyayari at kaganapan ngayon patungkol sa eleksyon, dito ibinahagi niya ang kanyang insight sa nangyayari sa bawat pilipino kung ano ang impact ng halalan sa bawat isa sa atin.
Ayon sa pagsusuri ng host na si Boy Abunda, bagamat sobrang maingay ang mga pilipino ngayon mapa-personal man o social media dahil sa kanya-kanya nilang pananaw sa mga kandidato nila natutuwa si Boy Abunda dahil sa kinikilos ng mga pilipino ngayon dahil sa halalan nakikita niya na engaged ang mga tao ngayon na sign lamang na ang mga pilipino ngayon ay gusto talaga sa pagbabago gusto ng magandang pamamalakad sa gobyerno.
Larawan mula sa Tiktok ni Boy Abunda |
Ang ayaw lang niya base sa mga nakikita niya ay ang pag-aaway ng bawat isa dahil lamang sa magkaiba kayo ng pananaw sa bawat kandidatong napili niyo, hindi dapat mauwi sa pag-aaway, ayos lang na mag-debate dahil natural lamang ito pero kung hahantong sa away ay ‘wag sana ganun.
Malapit na kasi ang eleksyon at para kay Boy Abunda ang eleksyon ay matatapos pero yung mga nakaaway mong kakilala, kaibigan at kapamilya mo ay may posibilidad na hahantong sa matagal na panahon ang alitan ninyo.
Kaya para sating mga pilipino wag po natin hayaan na magkaroon tayo ng kaaway dahil lamang sa magkaiba ang bawat paniniwala natin sa mga kandidatong pinili natin dahil sa huli ang rason lang naman natin ay ang ikakaganda ng bansa natin at dapat tayong matuwa dahil kahit magkaiba pa man ang pananaw ng bawat isa satin ang rason lang naman nito ay ang gumanda ang bansa natin.
0 comments:
Post a Comment