Larawan mula sa IG ni Heart Evangelista |
Talagang pagdating sa fashion lalo na sa ibang bansa, hindi talaga papakabog ang pambato natin na si Heart Evangelista at talaga namang hindi bibiguin ni Heart ang ating bansa sa larangan ng fashion dahil hindi lang naman talaga ganda ang ipinamamalas niya sa mga banyaga kundi pati ang taste ni Heart sa fashion.
Sa ginanap na Cannes Film Festival na kung saan invited si Heart nitong Friday, May 27 ay hindi nagpakabog si Heart sa mga dumalo sa film festival dahil kinabog ni Heart ang ilang dumalo sa pamamagitan ng kanyang signature style pagdating sa fashion na kung saan inirampa niya ito sa glamorous na red carpet ng Cannes Film Festival.
Larawan mula sa IG ni Heart Evangelista |
Larawan mula sa IG ni Heart Evangelista |
Sa isang tweet ni Heart noong Friday ibinahagi ni Heart ang bidyo ng kanyang sarili na rumarampa sa red carpet at talaga namang kabogera ang ate mo na kung saan nakasuot siya ng elegant na red ball gown para sa film na Broker nitong Thursday, May 26. May caption din ang kanyang tweet na “Such a special moment. Thank you [Cannes Film Festival] for having me,” she said in the tweet.
Sa isang IG post naman ay ipinakilala ni Heart ang gumawa ng kanyang isinuot na red gown na si Tony Ward na isang kilalang Lebanese-Italian designer at sinabi ni Heart na para ma-justify ang gown na suot niya ay kanya itong in-accessorized ng mga jewels by Matara Studio.
Hindi pa nagtatapos doon ang pang-a-awra ni Heart dahil sa sumunod na film na pinamagatang Un Petit Frere o Mother and Son noong Friday, May 27 ay kabogerang rumampa si Heart sa red carpet ng Cannes na kung saan suot naman niya ang ice-blue na strapless gown na kung saan agaw-pansin ang suot niya ito dahil sa mahaba nitong design na para bang gown ng isang princess sa isang Disney film.
Larawan mula sa IG ni Heart Evangelista |
Larawan mula sa IG ni Heart Evangelista |
Base sa mga nakaraang post ni Heart sa kanyang Instagram account, lumipad si Heart patungong France noong Wednesday, May 25 at kanya ring sinabi na 1st time niyang dumalo sa isang 10-day festival.
0 comments:
Post a Comment