Tuesday, June 7, 2022

Aso isinakripisyo ang sariling buhay para lang maligtas ang among nakukuryente

Views
Larawan mula kay:  Gemini Traya Aligato

Kamakailan ng maging usap-usapan sa social media ang istorya ng isang aso na kung saan ay nagligtas daw sa amo nito.

Itinuturing nga raw na bayani ngayon matapos isakripisyo nito ang sariling buhay at himalang nakaligtas ang amo mula sa pagkakakuryente.

Sinasabi nga ng netizens na talaga namang kung minsan ay mas masarap pa mahalin ang mga alagang pusa o aso kasi nga naman ay totoong-totoo ang pagmamahal nito sa atin.

Larawan mula kay:  Gemini Traya Aligato

Sabi pa nga ng iba ay kahit mahirap lang ang buhay basta alam mong may nagmamahal sa’yo kahit aso lang ay talaga namang maiisip mo na may halaga talaga ang buhay natinn sa mundo.

Alam naman din kasi natin na hindi lang mga tao ang ating nakakasama sa mundo sa araw-araw kundi pati na rin ang ating mga alagang hayop gaya ng aso, pusa, ibon, rabbit, isda na madalas nating gawing alaga.

Base kasi sa kuwento marami ang nagulat sa balitang ito dahil daw iniligtas ng isang aso ang kaniyang amo mula sa matinding peligro. 

Sabi ng uploader na si Gemini Traya Aligato ay naghahanda ang nakababatang niyang kapatid para sa lamay ng kanilang ina.

Larawan mula kay:  Gemini Traya Aligato

Pero ‘di inaasahan na aksidente daw itong nakuryente sa isang alambre kaya agad daw itong nakita ng alaga nilang aso na agad daw tinulungan ang kaniyang amo.

Kinagat daw ng aso ang alambre pero hindi rin nagtagal ay binawian ito ng buhay dahil sa malalang pagkakakuryente. 

Larawan mula kay:  Gemini Traya Aligato

Napaka pasasalamat nga raw ng buong pamilya dahil nakaligtas ang kanilang kapatid ngunit labis din silang nalungkot dahil sa pagkakawala ng kanilang alagang aso.

Totoo naman din kasi na napakasakit na makita natin ang ating mga alaga na nahihirapan at nasasaktan pero kahit ganoon ay sa kabila pa rin daw nito ay naging napakalaki rin ng utang ng loob natin sa kanila dahil sa katapatan at pagmamahal nila sa atin.

Loading...

Share this article to your social account.

0 comments:

Post a Comment