Larawan mula sa social media account nila Kitty, Andrea at Glenda |
Ano nga ba ang nangyari sa pagkuha sana ni Glenda dela Cruz, kay Kitty Duterte bilang isang endorser ng kanyang kompanyang Brilliant skin. Talaga namang matindi ngayon, ang labanan sa pagitan ng mga rejuvenating sets.
Talamak na kasi ang ganitong klaseng skin care products sa market. Kaya naman, bilang isang CEO ng isang kompanya, ay hahanap ka ng magandang ehemplo sa iyong produkto.
Matatandang nagkaroon ng matinding issue ang endorser ng Brilliant skin na si Andrea Brilliantes. Noong natalo kasi si Leni Robredo sa pagka-pangulo, ay hindi halos matanggap ng young actress na si Andrea Brilliantes ang pagkatalo ng kanyang iniindorso sa pagka-pangulo.
Kaya naman, maraming mga taga uniteam ang naging triggered sa tweet ni Andre Brilliantes, na kung saan sa tweet nito ay hinahanapan niya ng utak ang mahigit 31 million na botante.
Dahil dito, maslumala pa ng matindi ang issue, dahil maraming netizens ang nagpakalat ng mga fake tweets, na kung saan nagsagutan ng tweets, si Kitty Duterte at Andrea Brilliantes.
Sa sobrang lala ng naging issue ni Andrea Brilliantes, humantong na ito sa pag-aksyon ng kanyang agency. Mabuti naman at naagapan nila ang pagkalat ng mga fake tweets na kung saan binara pa siya ni Kitty Duterte.
Larawan mula sa FB ni Kitty Duterte |
Dahil nga dito, maraming taga uniteam ang user ng Brilliant Skin ang nagreklamo, sa CEO ng Brilliant Skin na palitan na si Andrea Brilliantes at ipalit si Kitty Duterte.
Dahil isang magaling na CEO si Glenda Dela Cruz, ay minabuti niyang dinggin, ang mga hinanaing, ng kanyang mga customers.
Sa katunayan, ay nag post pa siya na kung saan, ipinost niya na susubukan niyang kunin si Kitty Duterte bilang isang endorser ng Brilliant skin. Kaya naman naging excited ang karamihan, lalo na ang mga taga uniteam.
Marami na kasing nakikita si Glenda Dela Cruz sa kanyang comment section sa kanyang facebook account na, maraming sumisira sa packaging ng Brilliant skin.
Bilang CEO ng isang successful na kompanya, minabuti niyang aksyunan ang promblemang ito, kaya naman, agad siyang nag-post na susubukan niyang kunin si Kitty Duterte. Narito ang kanyang sinabi sa post.
“Sige, kung makukuha natin si, Veronica Duterte, why not?”
Larawan mula sa FB ni Glenda dela Cruz |
Maraming excited, at inabangan ang pagiging endorser ni Kitty Duterte sa Brilliant Skin, maraming netizens ang naghihintay, at umaasang makukuha nga ni Glenda Dela Cruz si Kitty Duterte.
Lumipas ang maraming araw, wala pa ring update sa sinabi ni Glenda dela Cruz, kaya naman maraming nagtatanong kung tuloy pa ba ang pagkuha niya kay Kitty Duterte.
Nito lang nakaraang linggo, ay napagtanto ng mga netizens na kaya pala hindi na nakuha ni Glenda dela Cruz si Kitty Duterte, sa kadahilanang, bago pa niya ito alukin bilang endorser ng Brilliant Skin ay may nauna na pala sa kanya.
Bilang isang Dabawenya, kahit malaki pa ang offer ni Glenda dela Cruz, maspinili pa rin na suportahan ni Kitty Duterte ang produkto na gawa rin sa Davao City at ito ay ang, Fairy Doll Skin Essentials.
Larawan mula sa IG ni Kitty Duterte |
Larawan mula sa IG ni Kitty Duterte |
Simula nang kumalat ang mga larawan at bidyo ni Kitty Duterte, na kung saan, nag sign na siya, bilang official na endorser ng Fairy Doll, sumisikat na rin ang produktong ito.
Para sa inyo, tama lang ba? Ang ginawa ni Kitty Duterte na tanggihan ang offer ni Glenda Dela Cruz? At suportahan na lang ang produkto ng lugar niya?
Wag kalimutang mag-comment at i-share, maraming salamat.
0 comments:
Post a Comment