Mga larawan mula sa Google |
Dahil sa pagsasara ng Kapamilya network marami ang naapektohang mga artista at libo-libo nitong mga trabahador, dahil dito maraming mga personalidad ang nagalit sa pangulo at mga trabahador na nawalan ng trabaho.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon ay unti-unti nang nakaka-move on ang mga tao at sa katunayan kahit mga pangkaraniwang pilipino ay nasasanay na rin na ang dating pinakamalaking network sa bansa ay tuluyan nang nag-sara.
Larawan mula sa Google |
Kahit mga artista ng Kapamilya network ay isa-isa na ring nagsilipatan, yung iba gumagawa ng sariling diskarte upang hindi malaos ang iba naman ay nanatiling loyal sa network at namamag-asang makakabalik pa ito.
Pero mukhang mahihirapan na ata makabalik pa ang dati’y tila hindi matitibag na network dahil ang kanilang frequency na channel 2 ay naibenta na rin sa business tycoon at dating senador na si Manny Villar.
Pero ngayon tila may maganda balita sa lahat, lalo na ang mga artistang nawalan ng trabaho at ang mga trabahador dati ng Kapamilya network dahil napapabalitang magbubukas na ang AMBS channel 2 o Advanced Media Broadcasting System sa darating na September.
Larawan mula sa IG ni Manny Villar |
Larawan mula sa IG ni Kuya Will |
Ipinagkatiwala rin ni Manny Villar ang lahat kay Willie Revillame dahil siya ang naatasang mag-isip na mga progarama sa nasabing upcoming TV network, kaya naman excited na ang lahat sa kakalabasan ng muling pagbubukas ng channel 2 pero hindi ang dating channel 2 na nakasanayan ng mga pilipino kundi bagong TV network na ito. Narito ang ilang detalye sa pagbubukas ng AMBS.
0 comments:
Post a Comment