Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
Isang graduating Senior High School Student ang hinahangaan ngayon ng mga netizens, dahil sa kanyang talino, naipasa kasi ni Benjamin Arches Baui ang hindi lang isa o dalawang universities kundi nasa 13 universities ang naipasa niya bilang isang schoolar.
Nakakabilib na ang pito sa mga napasahan niyang universities ay mga pawang prestihiyosong International Universities at ang anim naman ay mga sikat at kilalang school sa bansa kaya naman sinong netizens ang hindi hahanga sa kanya.
Isa pang usap-usapan ngayon sa mga nakabalita sa social media tungkol sa estudyanteng ito ay ang tumataginting na 11M na iniaalok sa kanyang bilang scholarship award na kanyang matatanggap.
Ang masnakakaantig pa sa puso ay isa lamang siyang anak ng magsasaka na kung saan nagsikap at nag-aral ng mabuti para masuklian at maihaon sa hirap ang kanyang pamilya. Si Benjamin ay taga Tubong Sto. Tomas, Isabela at ang kanyang hiling sana na kurso ay ang Architecture sa napupusuang unibesidad na papasukan sa Ohio, USA.
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
“Ang plano ko po is grab the opportunity in Xavier University. Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PHP1.5 million per year, into five years of my course…. Then probably it will cost me, I will receive [a scholarship] approximately PHP7 million,”
Labas sa mukha ni Benjamin ang tuwa at sayang nararamdaman dahil aminado naman siya na hindi naging madali sa kanya ang magkaroon ng ganitong achievements.
“Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…”
“Sa libu-libong mga aplikante na natanggap at nasuri ng Admission’s Committee, ako ay namumukod-tangi. Sobrang puno ng puso ko ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ilalabas ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon,"
Ikinuwento naman ni Benjamin ang naging daan upang makamtan niya ang ganitong achievements dahil na rin sa isang post sa Facebook na kung saan doon na rin siya humingi ng tulong ang makapag-aral sa abroad.
Larawan mula kay Benjamin |
“Ang makamit ang isang pangarap ay napakagaan sa loob. It is only a once-in-a-lifetime opportunity so I’m really willing to grab it,” Sabi pa niya.
“Inaamin ko na magiging mahirap para sa akin ang mga bagay dahil kailangan kong kumita ng sapat na pera upang manatili sa Estados Unidos.”
Hindi naman naging madamot si Benjamin at nagbigay ng payo para sa kagaya niya na nangangarap din.
“Ang pinaka importante po sa lahat ay maging disiplinado po sa pag-aaral and maging responsable po. And don’t let your anxiety deter you from achieving your dreams,”
“Wag kang mapaghinaan ng loob sa mga bad feedbacks from other people, don’t doubt yourself and you should find strength in yourself to achieve your dream po,”
“Back when I was a child. It was just a dream. It all started with a vision and now I achieved it po,"
Larawan mula kay Benjamin |
Gaya ng karamihan kailangan ng sakripisyo upang balang araw ay magbunga ito, handa niyang mawalay muna sa kanyang mga magulang para daan sa masmalaking opportunity at makatulong sa kanyang future at sa kanyang mga magulang.
Narito ang ilang confirmation sa kanya ng mga International Universities na kung saan naipasa niya.
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
Larawan mula kay Benjamin via Bayan mo Ipatrol Mo |
0 comments:
Post a Comment