Larawan mula sa IG ni Kiray Celis |
Halos lahat naman ng magulang ay walang hiling kundi ang magkaroon ng maganda kinabukasan ang mga anak, karamihan pa sa kanila ay okay na hindi na maayos ang kanilang buhay basta ang kahirapan nila ay hindi mamana ng mga anak.
Kaya naman lahat gagawin nila mabigyan lamang ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak nang sa ganun ay hindi nila maranasan ang hirap ng buhay at nagbabasakali rin sila na maiahon sila ng kanilang mga anak sa hirap ng buhay.
Larawan mula sa IG ni Kiray Celis |
Kaya naman sa hirap ng buhay na nararanasan ng mga magulang ay nagiging praktikal na rin sila kaya kung sila ang tatanungin mo kung anong gusto nilang regalo ay hindi na mawawala ang ginto sa mga pwede nilang isagot o di kaya’y bahay kung talagang may kakayanan na ang kanilang mga anak.
Kaya naman ganito rin ang iniregalo ni Kiray Celis sa kanyang ina na kung saan kasunod ng pagregalo ni Kiray ng bahay paupahan sa kanyang mga magulang ay sinurpresa naman niya ang kanyang nanay ng mga gintong alahas dahil ito raw ang gustong gustong regalo ng kanyang ina dahil, sa oras daw ng kagipitan ay may maisasangla silang alahas.
Laging sinasabi sakin ni mama nung bata pa ako, kapag may nagtanung daw sakin ano gusto kong regalo, sabihin ko daw ginto. Para iwas usog tapos pag wala kaming pera, pwede daw masanla. Tumataas pa value habang tumatagal. Which is totoo naman. Kaya eto ako, eto ang regalo ko sakanya. Kwintas na may picture naming dalawa, isang singsing na may initial niya at kwintas na may diamonds. I love you, Mama!
Larawan mula sa IG ni Kiray Celis |
0 comments:
Post a Comment