Viral na naman at pinag-usapan sa social media ang post ng vlogger/influencer/singer na si Donnalyn Bartolome pagkatapos nitong mag-post ng mga katagang hindi nagustuhan ng nakakaraming netizens dahil sa pagiging insensitive di umano ni Donnalyn.
Bagamat hindi naman masama at wala namang ibang ibig sabihin na ikakasama ng loob ang ibig sabihin ni Donnalyn pero sa ibang netizens ay malaki ang impact nito, dahi, hindi naman lahat ng trabaho ay kagaya ng kay Donnalyn na kung saan sumisikat siya and at the same time malaki ang sahod at na-e-enjoy niya ang trabaho niya.
Hindi naman kasi kagaya ng iba na bagamat pahirapan ang pagpunta sa work dahil sa wala namang sariling sasakyan ang karamihan, bukod pa sa maliit na sahod ay mostly para sa iba ay nakaka-sad magbalik trabaho dahil back to reality na naman na kung saan araw-araw ay magtitiis ka sa work na kung saan malalayo ka na naman sa pamilya mo at magtitiis sa maliit na sahod na kahit ano gawin mo ay hindi mo naman ikakayaman.
Sa post kasi ni Donnalyn, kanyang sinabi na:
“ may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet 🥹 Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!! 🤍”
0 comments:
Post a Comment